Chapter 28

940 13 2
                                    


Chapter 28

New beginning

It has been almost three months since the day when I found out that Desiree was my dad's mistress. Wala akong napansing kakaiba sa akin sa loob ng halos tatlong buwan na iyon. I thought everything was okay. Hindi big deal sa akin ang delayed na dalaw na hindi naman na iyon bago sa akin. At ngayon, malalaman kong isang buwan ko ng dinadala ang anak niya sa akin?

I was stunned and couldn't speak for a minute.

"Doc, ilang weeks na po ulit?" Kuryosong tanong ni Cayene.

"She's four weeks pregnant," sagot ng doktor. Tahimik ang buong kwarto hanggang sa magpaalam ang doktor na maiwan muna kami dahil aasikasuhin niya pa ang ilang pasyente.

"Audette," Nanginginig na sabi ni mommy.

"Mommy, sorry po," natatakot kong pagtawag sa aniya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

"Si Donny ba ang ama?" Kalmado ngunit may diin sa kaniyang tono. Dahan-dahan akong tumango at napapikit na lamang siya nang mariin. Tiningnan ko si Cayene na tila alam na mangyayari ito.

"Bibili lang ako ng maiinom."

"Sure, Tita," Malamig na wika ni Cayene.

"Alright. I'll leave you two for a bit."

Pagkalabas ng aking ina ay nahihiya kong kinausap ang aking matalik na kaibigan.

"Cayene, sorry na," napahilamos na lamang ako sa aking mukha.

Dismayado ako sa aking sarili. Nahihiya rin sa mga nagawa ko. Sana ay nakinig na lamang ako sa mga payo nila para hindi na sana ito nangyayari.

"I knew it. Malakas ang kutob ko. You never had any birth control pills. And for Donny, why the hell didn't he use protection?"

"I told him not to. I was the one who initiated it. Don't blame him," giit ko. Bumuntong-hininga siya nang marinig ang naging sagot ko. Hindi niya siguro iyon inaasahan.

"Anong plano mo? Hindi ka na menor de edad pero ang bata mo pa," aniya.

"I don't want this child. Ayoko, Cayene," umiiling kong tugon.

Mayamaya pa ay pumasok na ulit ang aking ina.

"What will you do then? Get rid of the innocent one inside your womb?" Her tone raised.

"If I need to-"

"Huwag na huwag mong ipapalaglag ang bata, Audette!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni mommy.

"Hindi ako sigurado kung kaya ko siyang buhayin at palakihin nang maayos! Sigurado akong hindi siya tatanggapin ng kaniyang ama! Lalo ng pamilya nila!"

Alam kong mali ang gawin iyon dahil wala namang kasalanan ang anak ko pero hindi ko maatim na isilang siya at maghirap lang sa piling ko.

"Audette naman!" Si Cayene na nakakunot na ang noo.

"How am I supposed to support this child? Nag-aaral ako! Saan ako kukuha ng pera? Hindi ito mapapakain ng pagmamahal na meron ako! Hindi siya mabubuhay ng pagmamahal lang!" umiiyak na sabi ko.

Natatakot akong buhayin ang bata, pero natatakot din akong pakawalan ito. Kung malalaman lang siguro ng batang ito na minsan na siyang naisip ipalaglag ng sarili niyang ina, sigurado akong kamumuhian niya ako.

"Hindi ko alam kung paano mabuhay nang mag-isa! Paano pa ngayong may isang buhay pa na kailangang alagaan? Hindi ko kaya na palakihin ang bata na salat sa buhay! I don't want my child to live like that!"

I Dare You (Chua Boys Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon