Chapter 29

991 11 2
                                    


Chapter 29

Meet

I woke up early. It's now our graduation day. After so many years, I can finally say that I am a degree holder. It was a slow progress yet still a sweet success for me.

"Baks, congratulations!" Sabi ni Cayene sa isang video call. Nag-aayos ako ng aking toga habang siya ay nakaupo sa kaniyang swivel chair, marahil ay nasa kaniyang opisina sa Amerika.

"Thank you."

"Pagkatapos ni Amaya, Mama naman niya ang magtatapos. I'm so proud of you!" I smiled sweetly at her.

"Kumusta ka na, madam millionaire?" Tuwang-tuwang tanong ko sa kaniya.

"I'm fine though, a bit stressed. Anyway, where's my baby?" Aniya, patungkol sa anak ko.

"Amaya!" Pagtawag ko sa aking anak.

"Opo, Mama!" Matinis nitong saad. Naririnig ko pa ang tawa nito dahil sa pangingiliti ni mommy sa kaniya. Buhat-buhat siya ng aking ina papunta sa akin.

She's five years old now, turning six. It was my best decision to give birth to an angel. Amaya became my home, my strength... my everything. Araw-araw kong pinagsisisihan na naisipan kong ipalaglag ang bata noon. Kung wala siguro ang anak ko, matagal na akong sumukong mabuhay.

It was so hard being pregnant and a student at the same time. Nahinto ako ng dalawang taon para magtrabaho at alagaan siya. Hindi kasi kinaya ni mommy na siya lang ang magtatrabaho at ayokong iasa sa kanila ni lola ang mga pangangailangan ko. Hindi naman ako nagsisisi na huminto sa pag-aaral, naroon man ang panghihinayang ngunit kung para sa kapakanan ng anak ko ay handa akong gawin iyon.

"Aw, my baby, Amaya Daphney!" Cayene said in full awe. Kinarga ko ang aking anak at iniharap siya sa screen ng aking cellphone.

"Say hi to Ninang Yen," marahan kong ikinaway ang kamay niya.

"Hi po, Ninang Yen po," natawa naman ako sa sinabi ng anak.

"Ang cute! Pakurot nga! Ninang will buy you gifts, okay? Uuwi ako ng Pinas sa birthday niya. Hindi ko pwedeng palagpasin iyon," anunsyo niya.

"Naku, Yen. Ginagawa mong kabilang kanto ang Pilipinas," biro ko pa.

"Para sa inaanak ko siyempre!" Tugon niya.

Tuwing birthday namin ni Amaya ay pumupunta siya rito kasama ang pamilya ni CJ. Wala silang pinalagpas na kaarawan namin. Minsan ay bumibisita rin sila nang walang kahit na anong pasabi. Ang dahilan nila, gusto nilang makita ang anak ko.

"Sige na at may gagawin pa ako. Ingat ka! Bye, Yen!" sabi ko at pinatay na ang tawag. Habang inaayusan ako ni mommy ay may iilang mga kaibigan na nagpadala sa akin ng mensahe ng pagbati.

Cathy Jane:

Congratulations, baks! I'm still offering you a job at my airlines. Call me and my team will arrange everything for you 😊

Matagal niya na akong kinukumbinsi na magtrabaho sa airlines niya kapag nakapagtapos na ako. Gusto ko man noon ay hindi pa pwede dahil hindi pa ako tapos mag-aral. Kahit pa malapit ako kay CJ at sa pamilya niya, gusto kong limitahan ang sarili ko. I want to put a boundary between us- her as my boss and me as her employee.

Me:

Sure! We'll talk about it some other time.

Cathy Jane:

Alright. I'm excited to see her. Matagal-tagal na rin nang huli kong makita ang inaanak ko 🥲

I Dare You (Chua Boys Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon