Chapter 3

1.2K 23 0
                                    


Chapter 3

Immature

Pagkauwi nila ay tumulong ako kay Mommy na ligpitin ang mga pinagkainan. Narito pa rin si Cayene at nagyaya siya na maligo sa pool. Nagligpit muna kami bago ko siya pinaunlakan na maligo roon. Tinanggal ko ang blazer ko at saka tumalon na sa tubig.

"Ang lamig," Sabi ko pagkatalon ko sa pool.Tuwang-tuwa pa si Cayene habang naliligo. Kasalukuyan kaming naliligo nang marinig ko ang pagbusina ng sasakyan.

"Det! Narito ang mga kaibigan mo! Niyaya ko silang maligo kasama niyo," gulat kaming pareho ni Cayene lalo nang makita naming naglalakad na sila papunta rito. Nagsiksikan kami ni Cayene rito sa gilid ng swimming pool dahil pareho kaming nakasando. Well, hindi iyon big deal sa iba but for us, it is.

Tumalon agad si Felix at tinanggal ang kanyang T-shirt. Sumunod ang iba at naiwan naman sina Donny at Lucas na naupo roon sa upuan.

"Ahon na tayo," aya ko kay Cayene na mukhang narinig nila.

"Ang bilis niyo namang umahon! Kararating pa lang namin tapos aalis na kayo," ani Sean.

"Nilalamig na kasi kami," giit ni Cayene. Buti na lang at nakikisama itong kaibigan ko. Alam kong hindi rin siya komportable sa sitwasyon ngayon.

"Tara rito at magpainit," nakangising sabi ni Damon. Agad na pinamulahan si Cayene na hindi ko alam kung dahil sa kilig o sa kahihiyan. Kahit nahihiya akong umahon dahil baka may makita sila ay ginawa ko naman.

"Whew! Witwiw!" Kantyaw nila nang makaahon kaming dalawa ni Cayene. Niyaya ko siya na sa likuran na lang dumaan para hindi na kami makitang ganoon ang suot. Manipis kasi ang suot namin. Nakalimutan ko ang blazer ko na nandoon sa sun lounger kaya naisipan kong balikan iyon pagkatapos kong magbanlaw.

"Uuwi na ako, Det. Thank you for today," Paalam ni Cayene na basa pang lumabas sa bahay. Nagsuklay muna ako at bumalik sa pool para kunin ang blazer na naiwan ko. Napatakip ako ng bibig ko nang makita ko silang lahat na topless. Wala akong nakita. Six pack abs. Wala talaga akong nakita.

My eyes! My God!

Dire-diretso akong pumunta sa sun lounger kung saan ko nilagay ang blazer ko at kinuha iyon. Nakayuko ako habang naglalakad dahil ayaw kong isipin nila na pinapanood ko sila. Nagtalsikan na ang tubig dahil sa kagagawan nila. Balak pa yata nilang limasin iyong pool at pabahain ang bahay namin.

Inirapan ko lang sila noong tinawag nila ako.
Napalingon ako nang tilamsikan nila ako ng tubig.

"Geez!" Sigaw ko nang mabasa ang damit ko. Kapapalit ko lang for Pete's sake.

"Hala! Sorry, Audette," Sabi ni Lucas.

"Kapapalit ko lang tapos babasain niyo na naman. Kayo kaya paglabahin ko?" Singhal ko sa kanila. Gusto kong makaganti kaya padarag akong naglakad papasok sa bahay at dali-daling umakyat sa kwarto ko. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang panakot ko.

Mula rito sa kwarto ko ay binuksan ko ang bintana at inihulog ang pekeng ahas. Nanlaki ang mga mata nila nang makita ang ahas sa swimming pool.

"Shit! May ahas!" Sigaw ni Donny. Kinuha ko ang cellphone ko at vinideohan sila. Humagalpak ako sa tawa pero nawala iyon nang dumalo sa kanila si Mommy. Bumaba agad ako para puntahan sila, hinanda ko ang sarili ko para umarte.

"What happened?" Pekeng tanong ko sa kanila.

"M-May ahas" turo ni Sean sa pool.

“Audette!” nagpapanic na sigaw ni Felix.

“Gago si Audette!” Si Sean.

“Hoy! Audette, baka matuklaw ka!” rinig kong sabi ni Lucas.

Walang nagbalak na kunin iyon dahil magaling akong umarte ay kumuha ako ng garapon at tumalon sa tubig. Umarte pa akong kitikiti na kunwari'y nahihirapang kunin ang ahas. Umahon ako't kinuha agad ang plastic at inilagay ang garapon doon. Dumiretso ako sa likod ng bahagi ng bahay at inilabas ang tawang tinatago ko kanina na halos na hindi ako makahinga.

I Dare You (Chua Boys Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon