DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONGS THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.
Song: Love of My Life by South Border
Chapter 37
Dinner
“Tinatakot mo ba ‘ko?” Nakapameywang niya pang sikmat.
“Bakit? Natatakot ka ba?” Humakbang ako palapit sa kaniya, sinigurado kong mararamdaman niya ang paghinga ko.
"Siya ang ama ng anak ko," mariing giit ko bago ibinigay ang bag niya sa kaniya. Kumpleto ang mga kamay niya at dapat niya 'yong gamitin. Mahirap na, baka magaya sa theory of use and disuse ni Lamarck.
Hindi pa ito tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay at tanging sa may gate lamang nakalagpas kaya inunahan ko na ito. Ayaw ko itong papasukin dahil baka kung ano pang gawin niya sa anak ko.
“Well, sino ba namang aamin na ginagamit niya lang ang boyfriend ko, ‘di ba?” bunga ng iritasyon ko ay padarag kong isinara ang pinto pero naharangan niya iyon at malakas niyang itinulak kaya napaupo ako sa sahig.
"Ma'am!" akmang lalapitan ako ng isa sa mga kasambahay nang pinigilan ko siya.
"Pakipuntahan po si Amaya at pakidala sa kwarto niya. Huwag mong pabababain kahit na anong mangyari," tumango agad iyong inutusan ko at dali-daling tumakbo papunta sa aking anak.
Inalalayan akong ni tumayo ni Manang Rose at mabilis na nilapatan ng tela ang braso ko.
"Ma'am, tatawagan ko po si Sir," aniya nang makitang nagdurugo ang braso ko dahil sa pagkakatama ng iyon sa bato. Hindi naman malalim ang sugat na natamo ko ngunit may kahabaan din iyon.
"Ano ba iyan? Kasalanan mo ‘yan! Paharang-harang ka kasi eh! Where's Donny ba kasi?" Maarteng saad niya at hindi man lang humingi ng paumanhin sa ginawa niya sa akin.
"Lisa, wala rito si Sir Donny," si Manang Rose na ang sumagot dito.
"And so? Dito siya nakatira kaya pwede ako dito. Bakit nga ba nandito ‘yang isang ‘yan? New maid?" She insulted me.
"Hindi siya katulong dito, asawa iyan ni Sir," pagtatama niya. Gusto ko rin sanang sabihin na hindi ako asawa ng amo niya ngunit palihim akong natuwa nang iyon ang sabihin ng ginang.
“Wala siyang asawa dahil hindi naman siya kasal. Tsaka nandito pa ako. I am here. I am his girlfriend at ako ang pakakasalan niya. He would never choose someone like her. He prefers girls like me! He likes younger girls!”
Is she mentally ill? Girls like her? Younger? Talaga bang pipiliin ni Donny ang mas bata sa kaniya? Well, yes, he chose me. Pero ang mas bata pa sa akin na halos bunsong kapatid na niya? That's fucked up!
"Lisa, umalis ka na. Wala naman siya rito. Sasabihin ko sa kaniya na tawagan ka niya kapag dumating. If you say so that he's your boyfriend, then I won't retaliate—" katulad ng ginawa niya kanina, hindi na naman niya ako pinatapos magsalita.
"Shut up! Hindi ako naniniwala na may anak kayo! Ikaw ang anak ng dating Engineer Santisismo, hindi ba? Naghihirap na ba kayo kaya napili mong sabihin sa kaniya na siya ang tatay ng anak mo?"
Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kaniya. She was caught off guard and couldn't process what just had happened.
“How dare you?! You bitch!” She shrieked.
"Kahit na naghihirap kami, hinding-hindi ako gagamit ng ibang tao para lang mapunan ang mga pangangailangan ko at ng anak namin. Why don't you ask him? Tutal ikaw ang girlfriend, 'di ba? Humingi ka ng sagot kung totoong siya ang ama at assurance na ikaw ang pakakasalan niya," I stood up and crossed my arms.
BINABASA MO ANG
I Dare You (Chua Boys Series #1)
RomanceChua Boys Series First Installment Audette Lei Santisismo, a student from Luxe University who's dared by Donny Chua to be his girlfriend. A journey of two individuals turning their love game into reality. To take the risk or lose the chance. To do t...