Chapter 22Drug
Maaga akong gumising dahil mag-oorder ako ng pagkain para sa aking almusal. Dapat sana ay mamalengke ako kaso lang ay pinagbigyan ko na lang ang aking sarili na magpahinga. Namalantsa rin muna ako ng mga uniporme ko para hindi ko na kailangang mamalantsa sa ibang araw. Nagpadeliver lang ako ng kape at tinapay mula sa pinakamalapit na coffee shop.
Lumabas akong bitbit ang bag at susi ng condo. Sinigurado ko munang na-ilock ko iyon nang mabuti para walang makapasok na kahit na sino. Sumakay ako ng elevator pababa para mapabilis. Itinext ko na rin si Cayene na magkita na lamang kami sa school baka kasi dumiretso pa siya rito para magsabay kami.
"Para po," sabi ko sa driver ng jeep at bumaba na. Nakasuot ako ng mask dahil sa usok at alikabok mula sa labas. Pagdating ko pa lang sa may gate ay narinig ko na ang bulong-bulungan ng mga estudyante.
“Di ba siya iyon?”
“Oo nga, pangit pala ang ugali!”
“Dapat hindi na lang iyan jinowa ni Donny.”
“Hindi lang pala masama ang ugali, malandi rin pala.”
“Yeah, a slut and a gold digger.”
“Maganda nga, pangit naman ugali.”
“Patapon ugali, utak kriminal.”
“Mamamatay tao raw pamilya niyan!”
Nakayuko akong nagpunta sa lugar na pinag-usapan namin ni Cayene. Si CJ ay nakita ko na roon na nakatayo at naghihintay sa amin.
"CJ," bati ko at bumeso sa kaniya.
"Ayos ka lang?" Iyon agad ang bungad niya sa akin.
"Oo," maiksing sagot ko at batid kong hindi siya kuntento sa isinagot ko. Hindi naman talaga ako okay. Pinipilit ko lang lakasan ang loob ko dahil kung tutuusin ay walang-wala pa ito sa mga dadanasin ko. Alam ko namang maraming magagalit sa akin matapos ng nangyari pero masakit pa rin na marinig ang mga ‘yon.
Naghintay kami kay Cayene at siyempre hindi maiiwasang kantyawan ako.
“Good morning,” bati ni Cayene nang makarating.
"Pre, sa akin na lang iyan. Mukhang masarap sa kama."
"She's fine with me though, kahit gold digger basta ba magaling maghukay pasado na," anang isa at nagtawanan sila.
"Ano? Mamaya? Tambangan na natin."
Kinilabutan ako sa mga narinig ko.
“Putanginang mga manyakis. Teka lang,” mabilis na tumayo si Cayene para lapitan ang mga lalaki.
“Yen!” Tumayo rin si CJ para awatin si Cayene kung sinasakali. Hindi naman nagkaroon ng away, may sinabi lang sila sa grupo ng mga lalaki at pagkatapos ay nagtakbuhan ang mga ito.
Hot tears rolled down my eyes. This is too much. They can't do this to me. Hindi ko inaasahang may mga ganitong tao na mambabastos sa akin. Hindi ko inakalang aabot sa ganito.
"Baks," malungkot na sabi nilang dalawa pero pilit ko silang nginitian at pinunasan ang mga luha ko.
Hindi ako nakaligtas sa mga masasakit na salita mula sa mga estudyante at iba pang nagtatrabaho rito sa eskuwelahan. Kahit mga guro ay ako na rin ang usapan.
"Uwi na ako, mag-iingat kayo," nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na.
Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep ay may napansin akong sumusunod sa akin. Binilisan ko ang lakad ko pero sumunod pa rin siya. Nilingon ko iyon at nakita kong tila high ito.
BINABASA MO ANG
I Dare You (Chua Boys Series #1)
RomanceChua Boys Series First Installment Audette Lei Santisismo, a student from Luxe University who's dared by Donny Chua to be his girlfriend. A journey of two individuals turning their love game into reality. To take the risk or lose the chance. To do t...