Chapter 2

1.4K 29 2
                                    


Chapter 2

Debt

Pag-uwi ko sa bahay ay dali-dali akong nagpunta sa kusina at uminom ng malamig na malamig na tubig. Halos mabitawan ko iyon sa gulat nang magsalita si Mommy.

"O hija, bakit parang hapong-hapo ka?" Naga-alalang tanong niya sa akin. Ayaw ko namang magsinungaling sa kaniya.

"Mommy, promise na hindi ka magagalit. M-Muntik na po akong masagasaan kanina," pag-amin ko at kita sa mukha niya ang gulat. Agad niya akong nilapitan at sinipat kung may sugat o pasa.

"Oh my God, Audette! You should be careful next time, okay?" Tumango na lang ako at nagpaalam na umakyat na. Ayaw ko ng palakihin iyon kaya hindi ko na sinabi na niligtas ako ni Donny. Wala na rin akong balak sabihin iyon kay Cayene o kahit kanino. Tama na ang makapagpasalamat.

Wala akong gagawin kaya naligo ako sa pool bandang hapon. Kasama ko si Mommy pero nakaupo lang siya sa mini sun lounger sa pool side. Mabilis na lumipas ang sabado't linggo at araw na naman na ayaw ng lahat- Lunes.

Maaaga akong gumising kinaumagahan dahil sa flag ceremony. Alas kwatro ay gising na ako at agad na naligo. Bumaba muna ako para mag-agahan. Kinuha ko ang uniporme ko- long sleeves, gray coat, at skirt iyon. Mainit sa katawan pero ayos lang naman dahil maganda tingnan.

Nagsuot na rin ako ng medyas na hanggang tuhod ang haba at inilagay ang pin sa kaliwang bahagi ng coat ko na may logo ng school. Niladlad ko lang ang buhok ko't nag-ayos ng aking mukha. Hindi allowed na maglagay kami ng make up na masiyadong makapal kaya ayos lang naman sa akin siguro ang simpleng sunscreen, foundation, at lip gloss. Naglagay din ako ng mascara at nag-spray ng pabango. Sinuot ko na rin ang sapatos ko at isinukbit na ang backpack. Lumabas na ako ng kwarto para puntahan ang mga magulang ko na nagkakape sa sala.

"Alis na po ako," paalam ko at humalik muna sa pisngi nila. Pinaalalahanan nila akong mag-ingat at mag-aral nang mabuti. Noong nakalabas na ako mula sa amin ay kumatok ako bahay nila Cayene dahil nakita kong wala pa siya sa labas.

"Good morning po, Tita. Nasaan na po si Cayene?" Tanong ko sa nanay ni Cayene.

"Pasok ka muna, Audette. Nasa kwarto niya pa," pumasok naman ako at umakyat sa kwarto ni Cayene. Hindi na ako kumatok at dire-diretsong pumasok dahil hinahayaan niya lang akong pumasok basta raw ay bukas ang pinto. Ayaw ko iyon noong una dahil parang kabastusan naman 'yon sa privacy niya kaso ay nakasanayan ko na rin kakaulit nito sa akin.

"Tara na, Yen," Aya ko sa kaniya.

"Wait lang! Patapos na," aniya habang kinukulot ang pilikmata niya. Nilagyan niya rin iyon ng mascara gaya ng sa akin.

5:30 na at hindi pa kami nakakasakay ng tricycle palabas dito sa village. Kinakabahan na kami pareho dahil siguradong mahuhuli na kami sa klase.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat. Bumusina kasi ang isang SUV sa gilid ko. Huminto iyon at bumaba ang salamin sa bandang likod.

"Sabay na kayo," sa pagkakaalam ko ay si Damon iyon at katabi niya si chihuahua. Nagtaka pa ako no'ng kung bakit magkasama itong dalawang ito- magkapatid nga pala sila.

"Ah... h-huwag na-" hindi pa ako tapos magsalita nang sumabat si Donny.

"Get in. Malelate pa kayo," aniya.

"Tara na, Det, alam kong ayaw mong nalelate tayo," pagpupumilit ni Cayene. Hindi na ako nakaangal at sumakay na. Lumipat si Donny sa front seat at umusog naman si Damon. Nasa likuran ako ni chihuahua at magkatabi naman ang sina Damon at Cayene.

Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa school. Bumaba agad ako dahil hindi ko kayang manatili roon. Ang awkward ng lahat.

Hinintay ko naman si Cayene na makababa bago nagpasalamat.

I Dare You (Chua Boys Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon