Chapter 12

809 16 0
                                    


Chapter 12

Loyalty

Iniuwi ko lang muna ang mga pinamili ko at umalis din ulit para pumunta sa pinakamalapit na ATM. Nagwithdraw lamang ako ng pera pagkatapos ay umuwi na rin kaagad. Pagpasok ko pa lang sa bahay ay bumungad na ang away ng mga magulang ko.

"Don't lie to me, Anton!" Sigaw ni Mommy.

"I'm not lying! Baka nga ikaw itong may lalaki!" Sigaw pabalik ng aking ama.

"Pinagbibintangan mo ba akong lalakero? Ikaw ang topic dito tapos ibabalik mo sa akin? You're cheating on me, Anton! Stop with your lies!"

Hindi na ako nag-atubili at pumasok na roon. Nahihinto lang sila kapag nasa harapan ko sila.

"Ano na naman 'to? 'Di ba kayo napapagod?" Tanong ko, naiinis na sa madalas nilang pag-aaway.

"Misunderstanding lang. Umakyat ka na, Audette," malamig na sagot ni Mommy.

Umakyat na lang ako sa kwarto imbes na makinig sa mga pagtatalo nila. Matagal na nilang pinag-aawayan ang tungkol sa mga kabit daw nila. Pagod na ako sa sitwasyon na meron kami.

Unti-unti na ring lumalayo ang loob ko kay Mommy dahil nahahalata kong may kakaiba na sa kaniya. Laging masaya tuwing umuuwi, madalas na may dalang bulaklak, minsan ay pagkain, biglaang meeting sa kliyente, galing sa party, nag-overtime, may kausap na iba lagi sa telepono, laging magarbo kung mag-ayos hindi tulad noon na kahit ano na lang.

Minsan gusto ko ng sumali sa kanila dahil nakakapagod na uuwi ako tapos away nila agad ang maririnig. Papasok ka pa lang sa loob sumbatan na nila ang maririnig mo. Hindi mo pa naiaapak ang paa mo sa loob ng bahay ay parang gugustuhin mo na lang na ‘wag umuwi dahil paulit-ulit lang ang nadadatnan mo.

Ganoon ba talaga? Kapag matagal ng mag-asawa, normal na lang ang pag-aaway? Kapag ba matagal na kayong kasal, lumalamig na rin ang pakikitungo sa isa't isa? Kasi kung normal pala ang bagay na ‘to, sana hindi na lang sila nagpakasal… hindi sana sila nasasakal.

It is so depressing coming home from, stressed from activities, and the only thing I want to do is to rest in this place I call home yet couldn't do it because of them.

Minsan, gusto ko pang pareho silang wala rito dahil tahimik ang buong bahay. Naawa na ako kay Daddy dahil lagi siyang sinusumbatan ni Mommy. Alam ko namang hindi niya kayang lokohin kami. Tutok siya katatrabaho para sa amin, lalong-lalo na para sa akin. I don't want to blame my mom, but maybe, she's the real reason.

Hindi ko yata alam ang mangyayari sa akin kung ang taong ipinagtatanggol ko pa ang totoong problema.

Imbes na isipin ko na naman iyon ay nagpunta na lang ako sa banyo para makaligo dahil may gagawin pa ako. Pagkatapos kong makapag-ayos ay dumiretso ako sa aking kama. Nagbukas ako sa isa sa mga accounts ko at nakita kong maraming notifications.

Halos dalawang araw din kasi akong hindi nakapag-online dahil busy na sa school dahil malapit na ang second semester.

Felix Yaza sent you a friend request.

Felix Yaza reacted to your photo.

Felix Yaza reacted to your photo.

Felix Yaza commented on your photo.

Pagbukas ko pa lang ay iyon na agad ang bumungad sa akin. Siya ang pumuno sa notifications ko. Inaksep ko na rin ang friend request niya at hindi ko inasahang magc-chat siya agad.

Felix Yaza:

Ey yow. What's up?

Me:

I Dare You (Chua Boys Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon