Hug me - 7

52 5 0
                                    

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sakin yung sinabi niya, siguro dahil pakiramdam ko ay may malalim na kahulugan yon,

Sinasabi ko sakanyang ulitin niya yung sinabi niya sa salitang maiintindihan ko pero ayaw daw niya.

"You want to come with me?", tanong ko sakanya, pupunta ako ngayon sa resto dahil nagday off yung dalawang crew at naaawa naman ako dahil madodoble ang trabaho ni Riri,

"No, I will stay here". Inihanda ko na yung mga kakailanganin niya pati na yung pagkain habang wala ako, iiwan ko din yung isa kong phone so he can contact me when there's a problem.

Pagkarating ko sa resto ay ordinaryong araw lang, more on kainan pag ganto kaaga, tuwing gabi lang kase sila naghahype dahil sa banda, kaya minsan naiisipan naming tumugtog ng maaga for them to cheer up.

"Hoy alam mo ba?-", diko siya pinatapos magsalita.

"Hindi". Pokerface na sabi ko na ikinasama ng tingin niya,

"Sarap mong kausap! So eto nga may narinig akong chika kanina and trending daw to". Kailan ba ko naging interesado sa chismis na yan?

"Ano? Ikwento mo na at madami pa tayong aasikasuhin.", tamad na tamad na tanong ko,

"Yung isa daw member ng isang sikat na sikat na boygroup na pumunta dito kamakailan ay nakidnap. Bali balitang nagstay sila dito sa Manila ng ilang araw at nakaschedule na lilipad papuntang Palawan para sa shooting nila na hindi nga natuloy dahil nawawala yung isang member. Grabe no? Nakakaawa naman yon! Sino kaya ang kumidnap dun? Walang puso! Ang daming dismayado at halos isumpa na yung kung sinumang kidnapper na yon". Ano ba namang chismis yan, parang hirap naman paniwalaan.

"Baka nagpapasikat lang yung nagpakalat ng chismis na yan, kung ako sayo eh tigilan mo ang pakikinig ng chika at magfocus ka sa trabaho". Sabi ko saka ko binitbit yung tray ng order,

"Nakakaawa kaya, mamaya pinapahirapan na yun ng kumidnap sakanya o kaya naman ay humingi ng malaking ransom dahil sa sikat yung biniktima niya". Napabuga ako ng hangin na parang nauubusan ng pasensya dahil patuloy ang paglilitanya niya,

"Tigilan mo na nga yang kakahanash mo dyan, daming pending na orders oh! Kaya ka natatambakan kakachismis mo eh!", hindi ko na narinig pa yung sinabi niya at nilayasan na siya sa counter para madala ko yung order nung mag asawang kanina pa inip na inip dumating yung order nila.

Alas tres na nung mapagpasyahan kong mag out dumating na rin naman yung shift ng panghapon,

"Ikaw na bahala dyan ah, aagahan ko nalang ang balik mamaya". Sabi ko sakanya habang hinuhubad yung cap at apron ko,

"Okidoki, isama mo si Torong mamaya ha, pinaghandaan ko na paghaharap namin ngayon". Tatawa tawang sabi nito,

"Bahala na!". Iwinagayway ko ang kamay ko sakanya habang papalapit ako sa motor ko.

Pagkarating ko sa bahay ay nagulat ako dahil ang linis nito, sobrang linis na akala mo binaligtad,

"Ay pucha!", hinanap ko si Torong at nakita ko siya sa cr na naglalaba,

"Am I doing it right? I've watched how you do it so I tried if I can make it right". Lumapit ako sakanya at hinawakan yung kamay niya,

Namumula iyun dahil siguro sa pagkusot,

"Yes you're doing it right, but yoh need to stop. Look at your hands". Sabi ko sakanya, nagpumilit siyang ipagpatuloy yun dahil okay naman daw siya pero wala pa rin siyang nagawa kundi sundin ako,

"That's a girl's duty.", para akong nanay na sinisermonan yung anak habang ginagamot ang sugat nito at sinasabi ang dapat gawin sa hindi dapat gawin.

Hug Me (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon