Hug me - 23

41 5 0
                                    

"Ian please help me", usal ko nung mapunta sakin lahat ng bigat ng lalaking to dahil nakatulog siya kakaiyak, at amoy ko rin ang alak na humahalo sa pabango niya.

"Where can we bring him Miss Angelica?", tanong niya sakin.

Hindi ko din alam.

"A-Ahm let's bring him to my room". Nanlaki ang mata nila sa sinabi ko,

"Are you sure about this Miss Angel?" Tanong ni Carla at tumango naman ako,

"We have no choice. We need to close the resto and we can't leave him here. Maybe I will just stay all night". Sabi ko dahil alam ko kung ano ang pumapasok sa isip nila.

"He can use our room". Singit nung isang staff na kasama ko staff house,

"Ah yeah that's a great idea". Sabi naman nung isa.

"Eh?", ungot ni Ian, at napapailing din si Carla.

"I think much better if we'll just leave him to Miss Angel. She knows how to handle it for sure". Tumango ako kay Carla.

"Okay then". Nagkatinginan kami nung talikuran kami nung dalawa.

Attitude!

Ikinawit ko yung isang kamay niya sa balikat ko at ganon din ang ginawa ni Ian, si Carla naman ay nakaalalay sa likod.

Inabot ko sakanya yung susi para buksan yung kwarto ko, agad naming inihiga sa kama yung lalaki.

"Thankyou Ian and Carla". Pasalamat ko sakanilang dalawa na tinapik pa yung balikat nila.

"No problem, Miss Angel.", matapos nun ay ibinilin ko na sakanilang isarado yung resto para makauwi na din sila at makapagpahinga.

Inalis ko yung sapatos niya at inayos yung pagkakapatong ng paa niya sa kama,

Nakatshirt and sweatpants siya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sakanya.

Pero nakakasigurado akong nakainom siya,

Lumabas ako ng kwarto at dumirecho sa maliit na kusina para mag init ng tubig, humanap din ako ng planggana para paglagyan ng maligamgam na tubig.

Pagkabalik ko sa kwarto ay humanap ako ng bimpo, siguro ay mabuti kung punasan ko siya para mahimasmasan siya.

Naiilang man ako ay kailangan kong alisin ang tshirt niya, naiimagine ko ang sarili kong mukhang tanga habang nakapikit na tinatanggal ang pangtaas niya,

Kala mo naman di ko makikita.

Sumampa ako sa gilid ng kama at iniluglog yung bimbo sa maligamgam na tubig,

Hindi ko maiwasang pag aralan yung mukha niya habang idinadampi ko sa pisngi niya yung basang bimpo,

Mahahabang pilikmata, maliit at matangos na ilong, saka pulang pulang manipis na labi. Nagcocomplinent sa magandang hugis ng mukha niya.

Idamay mo pa yung black na buhok niya na medyo curly yung bangs, mukha siyang manika.

Namamangha pa din ako everytime na makakakita ako ng lalaking may perfect na mukha, to think na pinakagwapong lalaki sa mundo ang madalas kong makaharap.

Sinunod kong punasan yung katawan niya, he's totally fit, broad shoulders and toned six pack abs--

*kringggg--*

Nilingon ko yung phone kong nakapatong sa side table, naputol agad ang tunog nun at nung abutin ko ay napagtanto kong nalobat pala.

Tinapos ko muna siyang punasan at kumutan bago ko chinarge yung phone ko.

Hug Me (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon