"Huy bakla birthday ng prince charming mo ngayon ah". Usal ni Riri, andito sila ngayon sa kwarto kandong kandong yung anak niya. Next week ay uuwi na sila sa Pilipinas.
"Ni Zeus? Paano mo nalaman?", nagtatakang tanong ko, tinaasan naman niya ko ng kilay,
"Duh! Malamang puro mukha niya ang nakikita ko sa social media". Bumuntong hininga nalang ako.
"Kahit kailan talaga ay wala kang hilig sa social media". Iiling iling na sabi ko.
Mag iisang buwan na ang nakalipas nung huling pumunta si Torong dito, madalas siyang tumawag pero hindi ko naman lagi nasasagot.
"Riri, alam mo ba ang tungkol kay Torong?", malamang alam niya. Ngayon lang namin to mapagkukwentuhan dahil ngayon lang ulit kami nagkaroon ng pagkakataon na magkwentuhan.
"What about him?", bigla siyang naging ilag.
"Sinasabi niyang boyfriend ko siya and until now hirap akong paniwalaan yon". Umiwas siya sakin ng tingin at itinutok ang atensyon sa anak,
"Hindi ako makapaniwala dahil parang panaginip lang, sino mag aakalang may boyfriend akong katulad niya diba? Tapos mukha pala akong tangang iniiyakan si Ron which is yung lalaki from my past", tatawa tawang sabi ko, nilingon niya ko pero seryoso lang ang tingin niya kaya kumunot ang noo ko.
"We chose not to tell you about him dahil yun daw ang bilin mo bago ka nawalan ng malay". Tumango ako sakanya.
"Yeah nasabi nga ni Gabby. Napapaisip lang din ako, kung isa siya sa special na tao sa buhay ko, bakit ko piniling wag ipasabi sakanya? When in the first place isa dapat siya sa unang makaalam tungkol sa mga nangyayari sakin diba??", ang dami kong tanong, sa sobrang dami ay ni isa wala silang masagot kundi pagkibit ng balikat.
Tumunog ang phone ko at nakitang tumatawag si Zeus,
"Why?", bungad ko, narinig ko ang mahinang pagpalatak niya sa kabilang linya,
"Don't you know how to answer a call in a nice way?", natawa ako sa tanong niya.
"I'm sorry, anyways Happy Birthday!", maligayang bati ko sakanya.
"Yeah thankyouuu! Where's my gift?", tumaas yung kilay ko,
"What else do you need? You already have everything!". Nakataas ang gilid ng labing sabi ko.
"I need you". E-Eh?
"Are you taking drugs?", narinig ko yung malakas na tawa niya.
"I already expected that kind of reaction from you. But I really need you, I'll be there later with my friends and colleagues. I reserved the resto for us, we will throw a party to celebrate my birthday and I want you to be there not as a manager or staff to serve us or what but as one of my special guest. You understand that?", napabuga ako ng hangin, dami talagang alam nito. So kaya pala pinaayos ni Gabby ang lahat sa staff at sinabing mag off muna ako dahil sakanya?
"Do I have a choice?", masungit na tanong ko,
"That's an honor, Angel! Being invited by one of the hottest celebrity in the entertainment industry. You should be thankful because you are very blessed". Kapal talaga minsan ng mukha nito.
"Whatever. You're the hottest but not the most handsome guy in the world". Biglang nawala yung tawa niya,
"I don't care. And I don't want to be in his position too tho.", bakit bigla siyang sumeryoso? 'His position?'
"Don't compare me to him, we are way too different from each other.", ano bang sinasabi niya, nagtaka ako sa biglang paggulo ng usapan namin.
Bigla siyang tumawa ng malakas,
BINABASA MO ANG
Hug Me (On Going)
Fanfiction"If you go one step further away like this, I can just take one more and that's enough".. - Taehyung (Hug Me)