Nandito ako sa kwarto at nagtitiklop ng damit nung tumunog yung phone ko,
Fr: Torong
Busy? Facetime baby :(Nag online ako at ako na ang tumawag sakanya,
Nakababa yung phone ko sa kama kaya kisame ang kita niya samantalang siya ay kitang kita ko,
Tumutulo ang pawis sa leeg niya, at mukhang pagod na pagod siya.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong ko,
"Yes, our practice was done but we are still here on our practice studio.", inabot niya yung towel at pinunasan yung pawis niya,
Mabuti nalang at hindi niya kita ang paglunok na ginagawa ko sa screen ng dahil lang sa panunuod sakanya,
"I want to see your face". Nakangusong sabi niya,
Inayos ko muna ng kamay yung buhok ko bago ako humarap sa salamin.
Lumiwanag yung mukha niya nung makita ako sa screen,
"Imissyou", malungkot na usal nito, nung bagong balik sila sa Korea ay madalas kaming nagkakausap sa facetime, pero ngayong may sinasabi siyang comeback nila ay naging busy siya, ako naman ay naging abala din sa resto dahil nag out of the country si Riri kasama yung boypren niya.
"I miss you too". Masasabi kong nagkakaunawaan na kami ngayon ni Torong, may mga salitang hindi ko maiganti sakanya dati pero ngayon ay nasasabi ko na.
"I wish you were here". Ngumiti ako sakanya at sinabihan kong wag na siyang malungkot,
"When is your comeback date?", tanong ko, hindi pa rin ako fan ng kpop kaya ineenlighten niya ko sa mga bagay bagay na tungkol dun once na magtanong ako,
Sa totoo nga nyan ay ni isang kanta nila wala pa akong napapakinggan, minsan ay nagsesend ng clip si Torong pero di ko naman maintindihan yung lyrics.
Tamad akong magbrowse sa social media, siguro dahil wala rin akong oras.
"Next week, you have to watch it okay?", bilin nito at tumango naman ako,
"Ofcourse I will". Sabi ko nalang, hindi na rin nagtagal yung usapan namin dahil may meeting pa daw sila.
Sa BTS members ay si Jimin, JK and Hobi lang ang nakakausap ko pero hindi ko pa rin masasabing close kami. Pero kumportable akong kausap at kakulitan sila.
Madalas din ay tinutukso nila ako kay Torong lalo na pag nakikitang magkausap kami, pero lingid sa kaalaman nila kung ano nga ba ang meron between samin ni Torong.
Pero ano nga bang meron kami?
Pagtapos ko magtiklop ng damit ay gumayak na ko para sa gig ko mamaya,
Wala si Riri kaya paniguradong gahol ang mga crew sa resto, two sets lang din siguro ang ipeperform namin para makatulong ako sa pag ayos ng orders,
Nag suot lang ako ng crop top at black skirt, itinaas ko ang buhok ko at kinulot ang laylayan, tinamad na kong mag apply ng make up kaya naman lipstick lang ang nilagay ko,
"Daddy, tita, alis na po ako". Paalam ko sakanila at umalis na,
Mabuti nalang at okay na yung kotse ko kaya kahit wala si Riri ay may masasakyan ako papasok.
Tulad ng inaasahan ko ay magulo kong dinatnan yung resto,
"Ma'am Angelica, may nagpresinta pong tumugtog ngayong gabi". Bungad sakin nung isang waitress,
"Talaga? Sino? For free?", sunod sunod na tanong ko,
"Nandun po sa table sa gilid". Sumilip ako sa tinuturo niya pero hindi ko yun matanaw ng maayos kaya naman nilapitan ko na,
BINABASA MO ANG
Hug Me (On Going)
Fanfiction"If you go one step further away like this, I can just take one more and that's enough".. - Taehyung (Hug Me)