Hug me - 39

31 4 1
                                    

I touches his face, lahat ng galos sa mukha niya ay hinahaplos ko.

*Flashback*

"How can I help him to get rid of that controversy? Do I need to give a statement?", tanong ko kay RM, pinaalis ko si Zeus dahil baka kung ano pang mangyari kay Torong pag hindi sila pinaghiwalay.

"N-No! Don't do that!", ayaw niyang magpadala sa hospital. Ayaw niya ring ipagalaw yung sugat niya, nakaupo lang siya at nanghihinang nakamasid samin,

"Gabby, guys, please bring him to the hospital". Ayokong ako ang gumawa non. Galit ako sakanya! Nasasaktan akong makita siya sa ganyang sitwasyon pero mas nasasaktan ako para sa nangyari kay Zeus.

Ni hindi ko siya tinatapunan ng tingin,

"I will kneel down in front of his--", he cut my words again.

"I said don't do that! I did my best not to expose you but you're going to face them and expose yourself? Angel please!", nilingon ko siya at naghihinakit na tingin yung binigay ko sakanya.

"You should have exposed me too then! You ruined his career! Your reason? Your jealousy?? You f*cked up! I can't still believe that you can do that Taehyung. I know how he worked hard for his debut but you ruined it..with your unacceptable reason!".

*End of flashback*

Pinahid ko yung luha ko nung idilat niya yung mata niya, babawiin ko din sana yung kamay ko nung bigla niyang hawakan yon.

"Y-You came". Kita ko ang tuwa sa mata niya nung makita niya ko, pero napalitan yun ng pagtataka dahil hindi ko magawang ngumiti sa harap niya,

Nakatingin lang ako sa mukha niya,

"You're still the most handsome guy in the world even if you have a lot of bruises on your face". Usal ko. Yun lang ang kaya kong sabihin.

Ngumiti siya pero pilit ang ngiting yon,

"No, not anymore". Inihawak niya yung kamay ko sa mukha niya. Sa totoo lang kung fans niya ang makakakita ng mukha niya ay manghihinayang sila,

Puro pasa, hindi pa din ganon kagaling yung sugat sa gilid ng labi niya pati na yung sa kilay niya.

Hindi siya nagpadala sa hospital, nandito lang siya sa dorm nila. Tumawag lang sila ng private nurse para tumingin sakanya.

"I deserved it". Usal niya saka iniwas yung tingin sakin.

Yes you deserved it!

"I feel horrible". Lahat ng prior commitments and schedules nila ay napostpone. Pero never silang nagrelease ng statement dahil paniguradong pag uusapan yon.

Pinalipas ko muna ang tatlong araw para makapag isip isip. Masyado akong naapektuhan sa nangyari.

Hindi pa rin kami nagkaharap ni Zeus, sinabi ko sakanyang lilinisin ko yung pangalan niya pero pinigilan niya rin ako, sirang sira na daw yun at mahirap ng ayusin. Wag ko na daw idawit yung pangalan ko. Sa huli ay ako pa rin ang iniisip niya. Hindi daw siya galit sakin at lalong hindi niya daw ako sinisisi pero mabuti daw na wag muna kaming magkita.

Hug Me (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon