*Gabby's POV*
Agad kong inalis yung pagkakahawak ko sa braso ni Jin nung mapansin ko yung talim ng tingin ng girlfriend niya habang papalapit kami sa table nila,
"Hi noona!", bumeso ako isa isa sakanila.
"Y'all look so so fine guys". Bati ko saka ako naupo sa tabi ni RM, umupo na rin sa harap ko si Jin na syempre katabi ng bruha.
Lahat ng members ay nakawhite polo, ang kay Yoongi ay nakabukas lahat ng butones kaya kita yung white shirt na panloob niya,
Nabaling ang tingin ko kay V, tahimik lang siya. Isang taon na ang nakalipas at ganyan pa din siya, palaging malalim ang iniisip.
Pero kahit ganon, maayos naman ang kalusugan niya, at talaga namang nanatiling may hawak ng title na pinakagwapong lalaki sa buong mundo na laging pinagngingitngitan ni worldwide handsome.
Lilinga linga ako, hindi ako kumportable. Iniisip ko si Angel, nasa iisang lugar lang sila ni Torong. Hindi malabong magtagpo ang landas nila.
"Are you okay noona?", tanong ni Jimin sakin, naagaw din nun ang atensyon ni V na binubutingting yung bulaklak sa vase.
"A-Ah yes". Nagkatinginan kami ni Jin pero agad ko ding binawi dahil baka malusaw ako sa titig ng girlfriend niya.
Gusto ko sanang tanungin kung aware ba ang members na nandito si Angel pero di ako makakuha ng tyempo lalo na't nandito si Taehyung.
Nung tinanong ako ni Jin kanina kung nagbago daw ba ang isip ko tungkol sa napag usapan naming pagkikita nung dalawa ay gusto ko sabihin sakanyang oo,
May kung anong takot at kaba kasing bumabalot sakin. Yung condition ni Angelica. Tapos paniguradong magtatanong si Torong. Ang sakit nito sa ulo--
"Where's Yeontan?", biglang tanong ni Taehyung na ipinakita pa samin yung naalis na chain ni Tannie.
Ay pasaway na aso!
"Where are you going??", sabay pa kami ni Jin na napatayo nung tumayo bigla si Taehyung,
"I will look for him.", nagtaka siya sa inasta namin pati na ang members kaya napapahiya kaming bumalik sa pagkakaupo,
"We will help you then--", patayo na ko ulit nung mapansin ko ang pagsenyas sakin ni Jin,
"No it's okay noona". Matipid na sagot ni Taehyung kaya tumango nalang ako at pinanuod siyang maglakad palayo habang lumilinga linga pa,
Yeontan, mukhang ikaw ang magpapahamak sa tatay mo.
Siguro pag matagal nalang siyang nawala saka kami susunod. Pero simula nang umalis siya sa upuan niya nagsimula na din akong hindi mapakampante.
Napapansin ko yung pasimpleng pagtingin sakin ni Jin, siguro nahahalata niyang hindi ako mapakali.
Naiinip na ko, tumingin ako sa relo ko 15 minutes na ang nakalipas at hindi pa rin bumabalik si Taehyung,
"Oh here's Yeontan". Usal ni Hobi, nakita ko siyang papalapit na wiwiggle wiggle pa yung buntot, tumayo si JK at kinuha siya.
"So where is V?", tumayo ako bigla na ikinapagtaka nila,
"Noona?", usal ni RM.
"Angelica is also here". Yun lang ang sinabi ko ay alam ko ng nakuha nila ang gusto kong iparating,
"Excuse me". Nakatitig silang lahat sakin at medyo nagulat pa, di ba nila ineexpect na nandito si Angee? Alam naman nilang siya ang manager sa resto ni Jin dito sa Jeju.
Tumalikod na ko sakanila, sumunod naman sakin agad si Jin. Hanggang sa pati yung ibang members ay nasa likod ko na--
Nanlaki ang mata ko nung makita namin si Taehyung sa may malapit sa cr..kaharap si Angee na gulat na nakahawak sa labi nito hanggang sa--
BINABASA MO ANG
Hug Me (On Going)
Fanfiction"If you go one step further away like this, I can just take one more and that's enough".. - Taehyung (Hug Me)