Abala ang lahat, lalo na si Gabby. Panay na rin ang dating ng mga sasakyan.
May mga barricade na nakaharang. May mga securities na nagkalat,
Nakadaong na din yung Yacht na inuumpisahan ng gayakan.
Sinabi sakin ni Gabby na si Jin daw mismo ang nagrekomenda kay Pdnim na mga staff nalang sa resto niya ang kuning mag aasikaso sa mga guests para kumportable silang makakagalaw.
Lalo na't ang daming regulations ni Jin na kabisadong kabisado na namin, saka syempre nandito sila sa Jeju kaya magandang idea nga na kami nalang ang mag asikaso sakanila,
"Are you sure she'll be okay?", dadaan sana ako sa pagitan ni Jin and Gabby nung di ko sinasadyang marinig yung pinag uusapan nila,
Sino tinutukoy ni Jin?
Bakit parang seryoso masyado ang pinag uusapan nila?"Well I don't really know, but I think it's about time. Riri, Zeus and I already talked about it. They agreed.", eh? Bakit kasali sa usapan si Riri and Zeus? Bakit ako hindi?
Ayoko namang sumingit sa usapan nila--
"Tho I'm worried of her condition. And for sure Taehyung will be shocked too.", T-Taehyung? Parang familiar. Yun yata yung binanggit nung babae kahapon,
"I feel sad for him". Napapailing na sabi ni Jin--
"Angeee, kanina ka pa dyan?", muntik ko pang mabitawan yung mga tray na dala ko nung bigla silang bumaling sakin, kita ko ang pagkabahala sa mga mukha nila,
"S-Sorry I didn't mean to hear what you guys talking about. Excuse me", pagkasabi ko nun ay nagmadali na kong lagpasan sila.
Baka sabihin nila chismosa ko.
Pero ano nga kaya yung pinag uusapan nila? Curious ako. Di ko tuloy maiwasang mapaisip.
After ayusan yung Yate ay pinabalik muna kami sa staff house para magpahinga dahil paniguradong mapapagod kami mamaya sa pag aasikaso, iniisip ko palang na gagalaw galaw ako sa yate mamaya eh nahihilo na ko.
Nahiga muna ako hanggang sa di ko namalayang nakatulog ako,
Nagising lang ako nung makarinig ng katok sa pintuan ng kwarto ko.
"Bakla". Si Riri,
Bumangon ako at pinagbuksan siya ng pinto, may hawak siyang paperbag habang buhat buhat si Rina, her baby.
Imbis na abutin ko yung paperbag na inaabot niya ay si Rina ang kinuha ko sa pagkakabuhat niya,
My stress reliever.
"Ano ba yan?", tanong ko sa hawak niya saka ako umupo ng kama kandong si Rina,
"Yung susuotin daw mamaya. Behave ka dun ah hindi ako makakasama". 8pm ang start ng party at alam kong may anak siya kaya hindi siya pwede ng gabi.
"Anong behave? Parang tanga to! Asa namang anong gagawin ko dun". Taas kilay na sabi ko. Hindi naman ako eskandalosa jusko,
"Dapat lang, mga bigating tao yung nandun. Tingnan mo nga napakahigpit na ng seguridad malapit sa yacht.", bumuntong hininga nalang ako,
"BTS ba naman yan eh". Dagdag pa niya. Bigla akong may naalala,
"Riri, narinig ko kaninang nag uusap si Jin at Gabby, nabanggit ni Gabby na nagkausap na daw kayo, pati ni Zeus. Tungkol saan yon?", napalunok siya sa tanong ko at biglang nabakas ang pagkabahala sa mukha,
"Huy nagtatanong lang ako bakit ganyan reaction mo. Sige okay lang kung ayaw mong sabihin". Pilit akong ngumiti at tumutok nalang kay Rina--
"N-Nasabi lang niya na pito daw ang members ng BTS", huh? Nabaling ang tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Hug Me (On Going)
Fanfiction"If you go one step further away like this, I can just take one more and that's enough".. - Taehyung (Hug Me)