Hug me - 15

48 5 0
                                    

"Anong gagawin mo sa hongkong?". Inihinto ni Riri yung pagpupunas sa mga plato at pinakatitigan ako,

"A-Ah may aayusin lang ako. Bukas ng hapon yung flight ko". Nanlaki ang mata niya,

"Bukas na? Agad agad? Ilang araw ka don?", tanong ulit niya.

"3 days. Okay lang naman diba?", sabi ko with matching pagpapacute para pumayag siya,

"Oo naman, walang problema dun kahit isang buwan pa basta babalik ka". Seryosong sabi nito. Simula nung mabanggit ko sakanyang what if tumira ako sa Korea ay lagi na siyang nag iisip na aalis ako at di na babalik.

"Baliw! Oo naman". Matapos naming mag usap ay nagpatuloy na kami sa pag asikaso dito sa resto. Umuwi lang ako ng bandang alas kwatro ng hapon para maghanda for tonight's gig at kailangan ko ding mag empake.

Kanina pa ako patingin tingin sa screen ng phone ko, halos ilang buwan ng paputol putol ang pag uusap namin ni Torong, masyado silang busy siguro dahil todo ang paghahanda nila para sa MAMA na gaganapin sa Hongkong,

Simula ng maging official ang relasyon namin ay isang beses palang ulit kami nagkikita, hinintay ko pang matapos yung promotion nila. Pero di na ulit nasundan yon nito lumipas na mga buwan.

Naiintindihan ko naman yon, at naisip ko ring he was always the one who's finding the way just to be with me, so bakit hindi ko ibalik yun sakanya?

Ako naman ang magrireach out to spend time with him.

Syempre with the help of Gabby. Siya lang naman ang parehong takbuhan namin.

Sinabi niya sakin yung tungkol sa award show na to na sa Hongkong lang gaganapin kaya madali para saking makapunta kung gugustuhin ko,

Hesistant ako nung una dahil nagkakaubusan daw ng slot ang pwedeng umattend at di ako sigurado kung papalarin ako pero nung maisip kong gagawin ko yun para makita si Torong ay wala naman palang masama kung susubukan ko diba?

And sinwerte naman ako dahil nakakuha ako ng ticket. I told Gabby about that at sinabi niyang if ever naman daw na di ako palarin ay siya na ang bahala. Kaya buti nakakuha ako kahit ang mahal nun dahil nakakahiya naman kung puro sakanya lang ako aasa.

Okay na lahat, nakapagreserve na din ako ng accommodation paglapag ko sa Hongkong.

Sinabi rin ni Gabby na may goodnews niya sakin. And napapaisip ako kung ano yun--

*kringgggg kringgggg*

Muntik ko ng mabitawan yung phone ko nung bigla itong tumunog,

*calling*
Torong <3

Automatic akong napangiti nung mabasa sa screen ang pangalan niya,

Lumunok ako at winala ko muna yung laki ng ngiti ko bago ko sinagot ang tawag niya.

Nagningning yung mata ko nung bumungad siya sa screen,

Gwapong gwapo sa black hair niya.

He can pull off any hair color pero talagang iba ang atake pag black hair, to think na black ang buhok niya nung una akong mapanganga sa kagwapuhan niya nung unang araw na nagkita kami.

"Do you miss me that much huh". Ngingisi ngising sabi niya, tinaasan ko siya ng gilid ng labi saka ko iminostra yung daliri ko,

"A little". Kumunot ang noo niya sa sagot ko kaya ako naman ang tumawa,

"Then why are you staring at me like that? I call you because I want to hear your voice and not for you to just stare at me". Sungit ha.

"So you're the one who's missing me that much.", balik ko ng panunukso sakanya at ngumiti nalang siya saka napailing,

Hug Me (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon