"Riri, paano kung tumira ko sa Korea?", andito kami ngayon sa Resto at nakabalik na sila ng boypren niya kahapon pa,
"For real? Tira talaga? Hindi tour lang?", tanong niya habang pinupunasan yung mga bote ng alak,
"Oo Riri, what if lang naman". Tanong ko ulit,
"Hindi ganon kadali maging citizen dun. Magtatrabaho ka ng matagal dun. Saan ka naman titira dun?", oo nga no? Paano nga ba?
"Eh basta nevermind natanong ko lang naman. Dami naman palang aayusin.", sabi ko at pepwesto na sana nung magsalita ulit siya,
"Madali yun kung papakasalan ka ni Torong". Lumingon ako sakanya at ang laki ng ngiti niya,
"Malabo yun". Sarkastikang sabi ko,
"Bakit lalabo?", taas kilay na tanong niya,
"Basta!"..
--
"ATEEEEE NAPANUOD MO NA?", Nambubulabog nanaman po si Dalyn,
Alas sais na ng hapon at wala pa akong balak bumangon dahil masakit ang ulo ko,
"Alin ba yon? Alam mong wala akong hilig manuod ng kung ano ano sa social media Dalyn". Masungit ba sabi ko,
"Meron ka ba ate? Bakit ang sungit mo?". Tinaasan ko siya ng gilid ng labi ipinasa naman niya yung phone niya sakin,
"Eto panuorin mo, narelease na yung comeback ng BTS". BTS nanaman.
Ipinlay niya yung music video at pareho naming pinanuod yun,
Goosebumps ako sa mga napapanuod ko, lalo na at pag makikita ko si Torong sa screen parang tumatalon yung puso ko, bagay sakanya yung red hair niya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na isa sa member ng biggest boy band in the world ay naging malapit sa puso ko.
Unexpectedly.
Even just temporarily.
"Ang ganda Dalyn.". Simpleng puri ko lang at bumalik na sa paghiga,
"Oo nga ate halata sa mukha mong gandang ganda ka sa napanuod mo". Sarkastikang sabi niya but I just rolled my eyes.
Matagal na kaming hindi nag uusap, simula nung aminin niyang nagseselos siya kay Ron.
Kahit wala namang dapat pagselosan dahil sinabi ko naman sakanyang ikakasal na yung tao.
Bigla nalang kaming hindi nag usap pagkatapos nun.
Pinilit kong bumangon nung alas syete na dahil hindi pwedeng icancel ang gig.
Masakit yung ulo ko pero tolerable naman kaya walang dahilan para i-baby ko to.
Nagsuot ako ng white jeans na pinartneran ko ng tube at papatungan ng fur croptop jacket.
"Alis na po ako". Nagpaalam na ako kila daddy, nung palabas na ko ay siya nanamang habol ni Dalyn,
"Ate live ang BTS kanina, sayang di mo napanuod". Kailangan ba mapanuod ko?
"Kaso kulang sila, wala si V". Napalingon ako sakanya pero tumalikod din ako at di na nagtanong pa,
"Alis na ko Dalyn"..
--
Pagdating sa Resto ay pinansin agad ni Riri yung pamumutla ko,
"Masama lang pakiramdam ko pero kaya naman", sagot ko sakanya, nag apply nalang ako ng makapal na red lipstick para hindi mahalata ang pamumutla ko,
Alas 10 na nung magpasya kaming tumugtog dahil na late yung guitarist namin.
"Alam mo bang yung ibang customer dito bumisita para lang makita ang hot chic rocker?", sabi ni kuya Mark,
BINABASA MO ANG
Hug Me (On Going)
Fanfiction"If you go one step further away like this, I can just take one more and that's enough".. - Taehyung (Hug Me)