Hug me - 35

36 5 0
                                    

"Btw Angel, she is Iris, my girlfriend!", pakilala sakin ni Jin dun sa babaeng katabi niya,

Kanina pa ako namamangha sa ganda niya sa totoo lang. Pang beauty queen siya, matangkad, melanin skin, short hair and ang nakapansin sakin talaga ay yung ganda ng chin niya. Paniguradong asset niya yon.

"Hello", nahihiyang bati ko, tumayo siya at nagulat pa ko nung bumeso siya sakin.

Kwentuhan lang sila ng kwentuhan ako naman ay nakikiramdam lang, panay din naman ang asikaso sakin ni Torong.

"You'll drive later, don't drink too much!", usal ko.

"Yes baby, don't worry". Malambing na sabi nito na pinisil pa yung ilong ko.

Hinubad niya yung suit niya at ipinatong sa balikat ko, nahalata siguro niyang nilalamig ako.

"I invited Gabby noona but she said that she won't be able to come because Graceey is sick.", nabaling ang atensyon ko kila Jin nung sabihin yun ni Jimin,

Kita ko ang biglang pag seryoso ng tingin ni Iris kay Jin na parang nag iba sa awra nito.

Bakit??
May issue ba sila ni Gabby?

Hanggang sa hindi nagtagal ay nagpahatid na siya kay Jin, narinig ko pang pinagkwentuhan ng members na sensitive si Iris when it comes to Gabby.

Knocked out!

Mga nakayukyok na sila sa table maliban kay Yoongi, JK and Torong dahil sa kalasingan.

Masyado kasi silang nagsagad sa pag inom. Kami nalang rin ang nandito dahil umalis na sila Mr. Bighit ang naiwan nalang ay yung ibang staff na I think magliligpit dito. Wala na yung manager and bodyguards nila.

Paano na sila ngayon?

"Do you guys can manage to drive?", nag aalalang tanong ko kay JK and Yoongi, bantay ko yung mga shots ni Torong kaya alam kong kaya niya.

"Yeah but only me and Jin hyung  brought a car.", ehe?

"But he's knocked out". Iiling iling na sabi ni JK,

"JK you can drive Jin hyung's car". Usal ni Torong sakanya,

"But I feel so dizzy hyung", paano nga?

"I'll call Gabby". Napatingin sila sakin at sabay sabay na tiningnan ang mga rolex watch na suot nila,

"But it's already 12 midnight, baby". Bumuntong hininga ako. I will still try.

Wala pang tatlong ring nung sagutin niya na,

"Yes, Angel bakit ka napatawag?", agad na bungad nito sakin.

"Oh Gabby buti gising ka pa". Sinabi niyang hindi daw kasi siya makatulog, at pinunasan niya rin daw kasi si Graceey.

"I know your daughter needs you there pero kase..pwede ko bang mahiram saglit yung oras mo? Alam mo ba yung lugar na to? Mga nakatulog na kase ang members dahil sa kalasingan. Si Yoongi lang ang may kayang mag drive. Pwede mo bang sunduin si Jin?". I don't know if she can say no when it comes to Jin--

"Psh mga di nagtira ng pang uwi, sigesige alam ko yang lugar na yan I'll be there in 30 minutes". Now I know, hindi siya makakahindi.

Pinagtulungan nilang tatlo na ipagsasakay sa backseat ng kotse ni Yoongi yung tatlong lasing.

Sinabi ko ngang siguro kako pwede si RM dun nalang sa kotse ni Jin pero talagang pinagkasya nila yung tatlo sa backseat.

"We'll go ahead.", paalam ni Yoongi na tinapik pa sa balikat si Torong. Sumakay na rin si JK sa passenger seat.

Hug Me (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon