"Anong sabi ng doctor ko?", tanong ko sakanya dahil siya ang kumausap dito.
"She told me that you shouldn't force yourself to remember everything. Hayaan mo lang daw na kusang bumalik ang alaala mo.", tumango ako sakanya. Si Gabby ang may alam ng lahat, simula nung ma comatose daw ako noon ay siya na ang kausap ng doctor ko kaya kahit anong sabihin niya ay sinusunod ko.
"Do you want to eat something? My treat". Nakakahiya naman kase sakanya lagi nalang ako ang binibigyan niya ng pabor.
"Ahm sa resto nalang siguro tayo kumain. Or out for dinner mamayang gabi, kailangan na natin bumalik eh may naghihintay sayo". Sakin? Napakunot ang noo ko.
"Sino?", nagkibit balikat lang siya at hindi kumibo saka tumutok na sa pagmamaneho pabalik sa resto.
Binati agad kami ni Carla pagbalik namin.
"Where is he?", tanong ni Gabby.
"He's inside the staff house miss Gabby". Tumango si Gabby sakanya at nauna ng maglakad agad naman akong sumunod.
Wala ring gaanong tao sa resto ngayon kaya hindi ganon kagahol ang mga staff.
"G-Gabby sino ba yung sinasabi mong--", naputol ang sasabihin ko nung makita ko kung sino ang kaharap niya.
S-Si Torong.
Akala niya yata at kapitbahay lang ng Seoul ang Jeju.Gwapong gwapo sa suot niyang celine shirt na pinatungan ng denim jacket and baggy pants. Ang manly ng pagkaka upo niya sa sofa at tumayo nung makita ako.
"H-Hi", lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi kaya naestatwa ako bigla,
"V, take it easy". Usal ni Gabby napansin niya sigurong I feel uneasy.
"I'm sorry, anyways I brought some food". Inalalayan niya ako palapit at pinaupo sa sofa. Inilabas niya yung mga pagkain sa ppaperbag at tinulungan naman siya ni Gabby bago ito naupo sa harap namin.
Tinanong ko si Gabby kung okay lang bang nandito kami sa sala dahil baka mamaya ano ang isipin ng ibang staff ang sabi naman niya ay siya daw ang bahala.
Nag umpisa kaming kumain, todo ang pag aasikaso sakin ni Torong at naiilang ako pag tinititigan niya ako habang sumusubo ng pagkain.
Kumindat siya at nabilaukan naman ako dahil dun.
"Here's the water". Abot niya ng tubig, pansin kong napapailing si Gabby samin.
"Do you feel uncomfortable when I'm around?", napatitig ako sa mukha niya nung itanong niya bigla yon.
Hindi ko alam ang sagot sa tanong niya, bago sa pakiramdam ko yung ganto. Yung may lalaking ganto ang pakikitungo sakin. Si Zeus naman kase maasikaso pero bigla biglang nang aasar.
"N-No", sabi ko nalang kahit na naninibago talaga ako at sa totoo lang din ay pinipilit kong may maramdaman pero talagang wala eh.
I'm not sure if it's really a part of my amnesia.
"How's your Jin hyung?", pag iiba ng topic ni Gabby.
"He's fine, but sometimes he's not in a good mood.", sagot ni Torong sakanya.
"I know the reason.", tatawa tawang sabi ni Gabby,
"If I were him I wouldn't bring Iris-noona here, she's so paranoid everytime she sees you". Kumain lang ako dahil hindi naman ako makasingit sa usapan nila.
"I'm not doing anything tho". Iiling iling pang sabi ni Gabby,
"She's threatened and that's so obvious noona.", close na close sila kung mag usap sila.
BINABASA MO ANG
Hug Me (On Going)
Fanfiction"If you go one step further away like this, I can just take one more and that's enough".. - Taehyung (Hug Me)