"Finally, everything's settled". Sabay kaming sumalampak ng upo habang nakatingin sa brown envelop na pinaglalagyan ng mga documents ko papuntang Korea.
"Thankyou so much Gabby". Nakangiting sabi ko sakanya, ginantihan naman niya nga ngiting yon.
"You're always welcome". Sumunod agad siya saking umuwi sa Pilipinas para tulungan akong ayusin lahat ng papeles.
Sinabi rin niyang kinukulit siya ni Torong na madaliin ang lahat, she even left her daughter sa parents niya na may citizenship na din sa Korea.
"Pwede ba kong magtanong?", ngayon lang ako magkakakwentuhan ng seryoso, lahat kase ng oras ay hindi namin sinayang dahil pagagalitan daw siya ni Torong pag matagal ang naging process ng pag aayos ng papers ko.
Wala kaming oras to talk about serious matters, ang dami ko ding gustong itanong sakanya.
"Hmm go ahead". Sabi niya saka umayos ng upo at humarap sakin na parang handa ng ikwento buong buhay niya.
"Sino yung tatay ni Graceey?", nag aalangang tanong ko, ngumiti siya sakin saka may kung anong inisip bago magsalita,
"His name is Gareth. Businessman siya sa dito sa Pinas, three months palang yung relasyon namin nung ipagbuntis ko si Graceey, wala eh tiwala sakanya to the point na agad kong naisuko ang bataan. First and last boyfriend ko siya, takot akong maiwan kaya pumayag ako sa gusto niya. Then nalaman ko later on na may kalive in partner pala siya yun yung moment na hindi ko pa alam na nabuntis ako. Pilit kong iniingatan yung reputasyon ko kase model ako, nung araw na hihiwalayan ko siya ay yun din yung araw na nalaman kong buntis ako. Hindi niya daw ako kayang panagutan. Hindi ko na rin pinilit dahil sapat na yun para malamatan yung reputasyon ko hindi na ako sisira ng samahan para mas sirang sirain ang image ko kaya tinanggap ko. Ipinanganak at pinalaki ko si Graceey ng mag isa.", ang sad naman nun.
"Nasaan siya ngayon?", tanong ko sakanya,
"Wala na. Patay na siya, nagcrash yung eroplanong sinasakyan niya nun at isa siya sa namatay. Kaya talagang hindi na sila nagkakilala ni Graceey". Napatango ako sakanya, ang saklap naman pala ng past story niya,
"Teka, si Graceey..paano siya naging malapit sa BTS members?", natawa siya saka muling nag isip ng isasagot,
"Bestfriend ko si Jin diba? Nakakahiya mang sabihin pero siya ang nag ooffer na tumayong tatay ni Graceey, I declined him dahil ayokong magtake advantage sakanya, pero di ko talaga mapigilang magkalapit sila ng anak ko dahil palagi kaming magkakasama. Tho natutuwa din ako dahil nakaalalay siya sakin sa pagpapalaki ko sa anak ko.", bakas sa ngiti niya na malalim ang pinaghuhugutan niya,
Mga ngiti niyang kapansin pansin yung kaunting kilig.
"Bestfriend lang ba talaga?", nabigla siya sa tanong ko at kitang kita ko ang pagpawi ng ngiti niya,
"Hanggang dun nga lang yata talaga". Hala? May nasesense ako. Right from the start nakakaamoy ako ng something nung makita ko silang magkasama.
"You like him?", tanong ko, natawa siya ng mahina bago sinagot yung tanong ko,
"I love him". Omg?
"You're inlove with your bestfriend?", gulat na tanong ko, mas malalim nga ang pinaghuhugutan niya.
"Oo, hindi naman kasi mahirap mahalin ang isang Kim Seokjin, matagal ko na siyang kasama..pero hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay". Alam kong pilit ang pagngiti niya,
"Alam niya?--", hindi pa tapos yung tanong ko nung umiling na siya,
"No, hindi ko pinapaalam sakanya. Ewan ko din kung nararamdaman niya. Saka may nililink sakanyang member ng girlgroup ngayon, at wala akong laban dun dahil alam kong gusto niya din yung babaeng yon"..
BINABASA MO ANG
Hug Me (On Going)
Fanfiction"If you go one step further away like this, I can just take one more and that's enough".. - Taehyung (Hug Me)