***

1K 20 4
                                    

Prelude
The Ace5





"Maikli lang ang buhay kaya habang maaga pa, lumandi-landi ka na, Iris. Balak mo bang magka-boyfriend kapag inuuban ka na?" Pangaral ni Maggie. Sa dinami-rami ng pwede niyang ipangaral, ang pagiging malandi pa talaga ang napili.

Nasa cafeteria kami ngayon. Maggie is retouching her make-up while Iris is reading her favorite book. Habang ako, kumakain ng in-order nila. Hindi naman nila kinakain kaya ako na lang. Sayang e.

"Tss." Iris didn't give a glance. Ibinaba ni Maggie ang hawak na blusher at hinarap ang butihin naming kaibigan.

"Naku, ha! I'm telling you! Before this semester ends, dapat ay may jowa ka na. Ayaw mo ba ng experience? First kiss nga wala ka pa. Tsk!" Tumingin si Maggie sa akin, asking for my approval. " 'Di ba, Allie?"

Tumango naman ako kasabay ng pagsubo sa pagkain.

"Wala namang masama." I said as I shrugged.

"Tss. I do take relationship seriously." ani Iris.

"Woah!" Maggie laughed. Inirapan siya ni Iris at pansin kong medyo naiirita na ito dahil hindi makapag-pokus sa binabasa. Ang daldal naman kasi nitong si Maggie."Wala namang mawawala, gaga! Bakit 'di mo gayahin si Allie? Ang daming kalandian niyan pero kompleto pa rin ang internal organs."

Tinignan ko ng masama si Maggie. Gusto ko tuloy siyang saksakin ng tinidor sa pandadamay sa akin. Anong kinalaman ko sa landi-landi na 'yan?

Duh, I'm loyal. Sa sampu, hehe.

"Bakit ako nadamay?" I innocently ask with my glare.

"Dahil malandi ka?" Humalakhak ang bruha. "Ang dami mo ngang kalandian sa chat."

"Hoy, correction! Hindi ko sila nilalandi. Nagri-reply lang ako!" Depensa ko upang ipagtanggol ang sarili.

Well, kapag may nagchat sa akin, niri-replyan ko naman. Kaso minsan ay nami-misunderstood ng iba ang pagri-reply ko. Kapag ini-seen mo, pa-famous ka. Kapag ni-reply-an mo, pa-fall ka. Kapag naman hindi mo na ni-reply-an kasi busy ka o wala ka ng mai-topic, ghoster ka. So saan ako lulugar?

"Tss, tumigil na nga kayo." Iris seriously said.

Isinara na niya ang kaniyang libro at kukuha sana sa sliced cake na order niya kaso ubos ko na. She looked at me with her deadly glare. Nakangiti naman akong nag-peace sign.

Maggie and Iris are my best friends. Magka-iba nga lang ng ugali ang dalawa. Maggie is bold, Iris is prim. But even though they don't have the same traits, they're the best bestfriend in the world!


Noong nasa 1st grade pa lang ako, kaaway ko itong si bruhang Maggie. Pero kalaunan, naging magkaibigan naman kami. Nang naging grade five, nakilala namin si Iris. Seatmate namin siya at matalino. Sa kaniya kami kumokopya at dahil ayaw naming bumagsak ni Maggie, lagi na namin siyang tinabihan.

And now, we're friends.

Kaso, ngayong koleheyo na ay nahiwalay sa amin si Iris. Education kasi ang kursong kaniyang kinuha. Samantalang kami ni Maggie ay kumuha ng nursing.

Both of my parents are doctors. Ang Lolo't lola ko sa both side ay doktor rin. My Ate is a dermatologist at si Kuya naman ay kumukuha ngayon ng Med. Another thing is, we are the owner of the known Acosta's Private Hospital in the city. At dahil nagmula kami sa pamilya ng mga manggagot, nursing na lamang ang kinuha ko. Albularyo sana e. Char!

Chaining the HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon