Chapter Eight
I'm sickNakangiti kong sinusundan ang malalaking hakbang ni Kenzo. We're walking on the the pathway. Unti-unti nang kinakain ng dilim ang paligid.
Kanina pa akong nakangiti. Habang nagma-mop kasi siya, hinayaan niya akong umupo at pagmasdan siya. Wala siyang sinabi kaya naman para akong tanga kaninang ngangingiti habang nakapangalumbabang nakatingin sa kaniya. At hanggang ngayon, nakangiti pa rin ako.
Kung saan dumadapo ang kaniyang paa, doon ko rin pinapadapo ang aking hakbang. Kaya naman nang huminto siya at humarap sa akin, muntik na akong masubsob sa kaniyang dibdib.
Kumunot ang kaniyang noo sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin at inilibot ang paningin sa medyo madilim na school grounds.
"Stop following me." Mariing aniya sa napakaseryosong boses.
"I'm not following you. Papunta ka sa exit at doon din ang punta ko kaya sa tingin mo siguro, sinusundan kita." I tried to sound chill para hindi niya mahalatang tama siya. Bawal ba siyang sundan?
"This is not the way through exit, lady."
Unti-unti akong nag-angat ng tingin. His stare is so intense like I've committed an inhumane crime. Ngunit imbis na matakot, napatitig ako sa kaniyang mga mata. Kasing ganda ito ng gabi. Kasing kulay naman ito ng pang-umagang kalangitan.
Tumaas ang kilay niya nang hindi ako nagsalita, taunting seriously. Doon ko lang natanto ang kaniyang sinabi. I look around because I am hundred percent sure that this way is the way through exit. Pero nang makita ang parking, ilang metro sa aming kinatatayuan, awkward akong ngumiti kay Kenzo.
Hindi ko napansin na sa parking pala siya papunta. Sa kaniyang likuran at sa kaniyang sapatos lang naman kasi ako nakatingin e!
"Pwedeng sumabay pauwi?" I cutely ask like a kid and smile in very friendly way. His dark stare didn't change.
Sinabi niya noong inihatid niya ako sa bahay, iyon na raw ang huling sakay ko sa sasakyan niya. Pero malay mo? Gabi na rin kasi at kung may sasakyan man, mas mabuti na iyong kakilala mo ang driver.
"No." He said in finality. My smile faded and pouted instead.
"Magbabayad ako ng pamasahe—" Tinalikuran na niya ako at diri-diretsong naglakad sa parking. Hindi man lang niya ako nilingon.
Unti-unting naglaho ang aking pag-asa. I thought he is now friendly to me because he helped me cleaning the laboratory pero naawa lang siguro siya. Tss. Mukha ba akong gusgusin at kaawa-awa?
Well, I'm still thankful because he helped me. Kahit papaano, hindi ako mag-isang lumabas sa laboratory na iyon.
Naglakad na ako palabas ng school. Sa tapat pa lang ng gate, may mga tricycle na. Pumara na lang ako ng isa roon at iyon ang aking sinakyan. But inside the tricycle, I felt strange. I erase that strange thing I am feeling.
"Salamat po, Manong." Nagbayad ako sa driver nang ibaba niya ako sa tapat ng subdivision namin. Pagkaalis ng driver, napansin ko sa 'di kalayuan ang paghinto ng isang sasakyan. Nang lingunin ko ito, agad niyang pinatay ang kaniyang headlights.
Because its dark, I can't clearly see it. I have feeling that it's Kenzo but... that's impossible. Umiling-iling na lamang ako at pumasok na sa subdivision.
BINABASA MO ANG
Chaining the Heartless
RomanceAlissa Nicolette Acosta is a happy go lucky nursing student of Lyceum Northwestern University. Surrounded by funny friends, her attention got caught by Kendrick Alanzo Galvante, a 3rd year college student of medicine. With that heartless eyes, Alis...