19

279 14 0
                                    

Chapter Nineteen
Cry

Days passed smoothly. Sa mga dumaang araw na 'yun, masasabi kong medyo napapalapit ako kay Kenzo.

"Kanina pang alas-dos ang dismissal n'yo, 'di ba?" Tanong ko dahil naabutan ko siyang pababa ng hagdan.

Mabilis niya lang akong binalingan. Nakapamulsa siya at isang strap lang ng kan'yang bag ang nakasabit sa kaniyang balikat.

"I just passed by,"

"Totoo? O... hinintay mo'ko?" Ngumisi ako ng pilya.

"Why would I? Tss." At binilisan niya nang bumaba. Mahina akong napahalakhak at binilisan na rin upang s'ya'y maabutan.

Ganoon ang nangyari sa sumunod pang mga araw. Minsan, naiisip kong sinasadya n'yang hintayin ako. I mean, hindi naman sa pagiging assuming pero sa iisang lugar ko lang s'ya nadadatnan. Iyon ay sa hagdan ng palapag namin.

"Next week will be your midterms, right?"

Tumango ako kay Mommy.
Tahimik kong hiniwa ang steak sa aking plato.

"Opo, Mommy."

"Are you reviewing?"

Akma ko nang isusubo ang steak pero binawi ko. Tumaas ang kilay ni Mommy sa akin kasabay ng pag-inom niya sa kan'yang baso.

"O-Opo... Uumpisahan ko na mamaya."

"Hindi ka pa nakakapag-review kung ganoon?" Tumaas ang kaniyang kilay. Nahihiya akong umiling.

"Pero may r-reviewer na po ako."

Why do I feel nervous?

My mom is strict. Kabaliktaran n'ya si Daddy. Perfect is not enough to please her. Kahit maliit na pagkakamali lang, kan'ya iyong mapupuna. She wants everything around her to be beyond perfection. Hindi s'ya tumatanggap ng mali.

Bata pa lang ako, hindi s'ya kaylanman pumunta sa aking eskwelahan para kunin ang aking report card. Her reason is simple. Hindi naman daw importante. Nai-inggit nga ako kay Ate. Kapag si Ate Sylvia kasi noon, kahit may trabaho si Mommy ay ipagpapaliban nito para lang um-attend sa card day. Kung sabagay, hindi naman kasi ako kasing talino ni Ate. Hindi ko pa kaylanman naranasan ang maka- perfect sa exam o kahit sa simpleng quiz lang, hindi tulad niya.

"Nakatanggap ako ng balita mula sa'yong guro. Mababa raw ang iyong recitation." She looked at me with sharp eyes. "Sinasayang mo ba ang pera ko, Alissa?"

"P-Pagbubutihin ko po, Mommy." Mahina kong sabi, napayuko.

"Bakit hindi mo gayahin ang iyong Ate Silvia? She always prioritize her studies before. Kumpara sa'yo, hindi s'ya nakakakuha ng tres bilang grado."

Naibaba ko nang tuluyan ang aking kubyertos. Bigla akong nawalan ng gana.

"Mommy, don't compare us. We're different." Ate interrupted. Umirap si Mommy na tila sawang-sawa na sa kakabilin sa aking pagbutihin ko ang aking pag-aaral.

Pinagbubuti ko naman ah. Sinusubukan ko naman.

"Silvia is right, honey. Isa pa, kung hindi kaya ni Allie, hayaan natin s'ya." Hinawakan ni Daddy ang kamay ni Mommy upang gumaan ang pakiramdam nito. Tumingin sa akin si Daddy at ngumiti.

Chaining the HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon