Chapter Five
Ride Me HomeMatapos ng dinner sa isang four star hotel, umuwi na kami. Iisa ang sasakyang dinala namin kaya ngayong pauwi na, kay Archon na lamang ako nakisabay. Kasama rin kasi siya sa family dinner. Na-late nga lang dahil may game practice pa raw sila.
"Grabe, ayoko nang mag-med. Parang gusto ko na lang maging hotdog." Archon said.
Naipit kami sa traffic dito sa Perez Avenue. Nasa backseat ako habang si Kuya Alex ang nasa front seat. Sa amin din siya sumabay dahil daw puro mga oldies ang kasama niya roon sa sasakyan ni ate.
"Ako naman, gusto ko na lang maging kamote para chill-chill lang sa ilalim ng lupa." Sabi naman ni Kuya. Kanina pa sila nagko-complain na mahirap daw ang magdoktor. Tss. Maging doctor qwak-qwak madali.
"Kukuha-kuha kayo ng Med tas ri-rekla-reklamo kayo." Sabi ko bilang komento.
Sabay silang napatingin sa akin sa rear mirror gamit ang matatalas na tingin. Oo nga pala at magka-alyansa ang dalawang 'to.
"Siguraduhin mong wala kang tres ngayong sem huh." Pinanliitan ako ng tingin ni Kuya.
Paano napunta sa GPA ko ang usapan? Nag-comment lang naman ako kasi todo reklamo sila.
"Pasado na ang tres 'no!" I said defending my self. Inirapan lang ako ni Kuya.
"Ano nga ulit 'yung kukunin mong specialization, Alex?" Tanong ni Archon.
"Urologist." Sagot niya. "Ikaw? Basketballogist?"
Inirapan ko si Kuya. Trying hard magpatawa e corny naman. Tss.
Tumawa si Archon sa biro ng Kuya ko. Tawang-tawa ang damuho. Hindi naman nakakatawa. Weird... grr.
"Kung meroong ganoon, iyon na lang. Mag-oopera na lang ako ng bola." Ani Archon.
"Then you want to be...?"
"General Surgeon." Biglang tumikhim si Archon. Sumeryosong bigla ang kaniyang reaksyon.
I remember that his late dad is a great general surgeon before. Napatitig ako kay Archon. Kahit pala medyo gago ang damuhong ito, may pangarap rin kahit papa'no.
Well, in life, 'yung mga taong hindi natin inaasahang magtatagumpay, sila pa ang unang makaka-abot ng pangarap nila. So if you have a dream, don't tell. Work for it silently and let them be loud for your victory.
"Good luck. Puspusang operahan 'yan." Kuya chuckled, trying to make the atmosphere light. Napansin din ata ang pagsiseryoso ni Archon.
The father of my dad is the CEO of our private hospital. Cardiologist si Daddy, neurosurgeon si Mommy at dermatologist naman si Ate. My ate owns a small clinic and I am proud of her because of that.
Humikab ako. Ang boring nila. Pero habang nakabuka pa lang ang bunganga ko, tinignan ako ng dalawa sa rear mirror. Inis ko tuloy na isinarado ang bibig ko.
"Ikaw? Anong balak mo?" Si Kuya ang nagtanong. Sinamaam ko siya ng tingin.
"Teacher siguro? Nursing ako e."
BINABASA MO ANG
Chaining the Heartless
RomanceAlissa Nicolette Acosta is a happy go lucky nursing student of Lyceum Northwestern University. Surrounded by funny friends, her attention got caught by Kendrick Alanzo Galvante, a 3rd year college student of medicine. With that heartless eyes, Alis...