13

328 11 0
                                    

Chapter Thirteen
Street Foods

"Ahh!... Ang sakit talaga ng ulo ko!..."

Nakatuko ang magkabilang siko ni Maggie sa lamesa habang hinihilot ang sintido. Her eyes were shut, feeling the pain.

"'Yan, alak pa more!" Archon teased and laugh. Tinapunan siya ni Maggie ng masamang tingin.

"Gusto mo bang paglamayan ngayon?" Banta niya. Archon immediately shut and even sign to zip his mouth. Kaso, natatawa pa rin siya. Inirapan na lang ni Maggie.

"Ito na po ang order niyo!" Masayang sani ni Ate nang ilapag na niya ang order namin.

We're in a soup restaurant. Actually, sa Italian restaurant sana kami dahil lunch na at hindi namin prefer ang soup sa tanghalin. Pero kailangan ni Maggie ng soup upang mawala ang sakit ng kaniyang ulo. Hanggang ngayon kasi hindi pa umaalis ang sapi ng hang-over sa kaniyang katawan. Pa'no ba naman kasi, masyadong maraming ininom. She drank triple than I did!

"Grounded ka?" Tanong ni Iris sa gitna ng pagkain.

Wala sa sariling napairap si Maggie at tumango. Sa four seater na upuan, magkatabi kami ni Iris. Si Archon naman at Maggie ang sa tapat namin.

"Yeah,... Wala akong gadgets for two weeks kaya hindi niyo ko matatawagan. But don't worry, bibili ako ng bagong phone."

"Wow, yaman! Pautang nga!"Archon said mischievously.

"Tanga, mga local brands lang! Psh!"

Nahihirapang kumain si Maggie dahil sa kaniyang buhok. Medyo mahaba na kasi 'yun at bagsak masyado kaya tumatakas mula sa likod ng kaniyang tenga at napupunta sa harap. Nang mapansin 'yun ni Archon, pinag-isa niya ang buhok nito at hinawakan. Napairap si Archon, tila sawang-sawa na na gawin iyon. Well, he's always doing that. Minsan kay Iris o sa akin.

Now, Archon is using his other hand to eat. The other one is holding Maggie's hair in fix.

Matapos naming kumain, dumaan muna kami sa isang salon. Pagmamay-ari nina Iris ang salon at may kukunin daw siya sa Ate niya. Nasa lobby lang tuloy kami, hinihintay ang kaibigan.

"Alam mo ba, Allie, alas-tres na akong nakatulog kagabi dahil sa kaka-review ko?" Archon close his reviewer and hold his head like he's a brilliant man tired of being smart.

Tumaas ang kilay ko sa kaniya.

"Anong oras ka nag-umpisa?"

"Two fifty-five." Napairap ako. Humalakhak naman siya. Muntik na akong maniwala. Mabuti na lang at hindi natuloy. Psh.

Hindi ko na lang siya pinansin at kinalikot ko na lang ang aking cellphone.

Last night, I added Kenzo again in Facebook. He's active when I did adding him but he didn't response! Baka ayaw niya na hanggang friends lang kami?

Agad kong binawi ang friend request ko nang biglang nag- flashback sa akin ang nangyari noong gabi na lasing ako. It's not detailed pero naalala ko na kung bakit ako may suot na puting T-shirt kinaumagahan.

Nagising ako matapos niya akong iwan sa kaniyang kwarto. Naka-on ang aircon ng kaniyang silid pero naiinitan ako. Hinubad ko ang aking damit at naghanap ng isusuot sa kaniyang closet, thinking it was my room. And after I found the T-shirt and wore it, sumalampak na ako upang matulog muli.

Gosh! I'm drunk! Ang unang beses na nalasing ako ay kasama ko pa ang crush ko! Sa condo pa mismo ng crush ko!

Napadpad ako sa messenger. Nang makita ang green na dot sa icon ni Kenzo roon, napangisi ako.

Chaining the HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon