15

287 15 3
                                    

Chapter Fifteen
Followed you

He already like someone...

His words keeps on echoing inside my head. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako masasaktan o ano. I want to get mad because why is he telling me that? Alam niya na gusto ko siya tapos aamin s'ya sa aking may gusto na siya?

Gusto ko mang isipin na ako ang kaniyang tinutukoy... pero imposible 'yun...

Sinabi n'ya kamakaylan lang na hindi ako ang kaniyang tipo. Hindi ako natinag noong sinabi niya iyon noong hapon na 'yun ngunit ngayon... hindi ko na alam ang aking mararamdaman.

I bit my lips and give him a smile. I tried to make it genuine, but it only resulted to a force curve of lips. Hindi ako nagsalita hindi dahil ayaw ko kundi dahil wala akong maisip na sasabihin.

I don't want to congratulate him kasi dapat ako ang gusto niya!

Hindi ako nakatulog sa gabing 'yun. Hindi siya mawala sa isip ko. Ang kaniyang boses kasabay ng mga salitang 'yun ay patuloy na tumatakbo sa aking isipan.

Inis akong umupo sa aking kama. Binalingan ko ang aking digital clock at ala-una na ng gabi. Napabuntong hininga ako at inis na ibinalik ang katawan sa pagkakahiga.

This is crazy! Hindi ako makatulog! May pasok pa ako bukas!

E bakit naman kasi niya sinabi sa akin 'yun? Siguro... gusto niyang tumigil na ako kakapapansin sa kaniya?

Kung 'yun nga ang dahilan, pwes, mas lalong hindi ako matitinag!

Late akong nagising, mabuti na lang at nakaabot ako sa aking first subject. I didn't take breakfast because I'm in hurry. Noong lunch time tuloy ay gutom na gutom ako.

After lunch, may libreng oras pa bago mag-umpisa ang klase. I took out my phone and chatted Kenzo.

Alissa Nicolette Acosta:

Wru?

I waited for his response but he didn't even bother to read my message! Well, he's not online anyway.

I went to library to check on him, maybe he is there but I found nothing, not even his shadow. I checked the clinic, maybe he's the student doctor in charge but I only found Doctor Mariano.

I sighed and sat down on the roundtable. Nagpangalumbaba ako at pinagmasdan ang berding soccer field. Medyo napapapikit pa ako dahil inaantok.

Some men are playing soccer. Almost are freshmen. Pinanood ko sila at balak na ubusin ang oras sa panonood sa kanila. But I don't find them interesting. Their game is boring. Napapahikab tuloy ako at napapapikit. Maaga akong matutulog mamaya nang mabawi ko naman ang tulog ko!

Bumalik ako sa aking sensayon nang may malamig na kung anong tumama sa aking pisngi. It's a can of juice. I look back and glare to someone who did that but my face suddenly lit up when a pair of blue eyes met my eyes.

Inayos ko ang aking upo at ngumiti kay Kenzo. His expressionless eyes bore into me. I smile widely. Gosh! Amoy ko na naman ang kaniyang pabango!

"Hi! Nabasa mo ba 'yung message ko?"

Inilahad niya ang juice in can. His other hand is holding a juice in can too. Tinanggap ko iyon kasabay ng paghila sa kaniyang kamay upang mapaupo siya sa aking tabi. Nagulat siya sa ginawa ko pero nang mapaupo na, napabuntong hininga na lang.

My body is facing the soccer field, he's facing the opposite. Ganoon pa man, nakaharap naman sa kaniya ang aking mukha suot ang malaking ngiti.

"Why are you here? Are you looking for me?" Ngumisi ako, nagpangalumbaba pa. He almost roll his eyes.

Chaining the HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon