Chapter Fourteen
Secret"Archon is really your... cousin?"
I sip my gulaman and look at him. He immediately look away and cleared his throat. Para siyang nahihiyang tanungin iyon pero tinanong pa rin.
Naglalakad na kami papunta Ab Fernandez Avenue dahil doon ako maghihintay ng sasakyan ko.
"Oo naman! He's my cousin sa father side. Lumaki kami ng sabay so we're really close."
Sinilip niya ako. Nang makitang nakatingin ako sa kaniya, agad siyang nag-iwas ng tingin na tila nahihiya. Natawa ako sa reaksyon niyang iyon.
"Nagseselos ka ba?" I teased. Tinignan na niya ako dahil sa sinabi kong 'yun. Kumunot ang gitna ng kaniyang mga kilay.
He's so hot while doing that. Gosh! His blue eyes is making me faint in adoration!
"You're not my type," He said in subtle voice.
"Weh? Bakit mo 'ko sinamahan ngayon?" I said with taunting eyes.
"You're the one who followed me earlier. Tss."
Nakagat ko ang aking labi at napanguso. Oo nga pala at ako ang sumunod sa kaniya!
E bakit hindi niya ako pinaalis o iniwan? Gawain niya 'yun e. Naawa siguro siya sa akin dahil wala akong kasabay? Well, maybe?
"I followed you because I like you." I whispered without even thinking. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"I know,"
Gulat akong napatingin sa kaniya. Narinig niya ba ang sinabi ko?
"You know what?"
He look at me while hiding a playful smile.
"I know that you like me." He said with subtle confidence.
Hindi naman nakakapamula ang sinabi niya pero naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi.
"Then why aren't you crushing me back?"
"Because I don't like you."
Napairap ako ng palihim. Ilang beses na niyang sinabi 'yan ah. Sa tingin niya ba'y matitinag ako? Hah! Akala niya lang!
Itinikom ko na ang bibig ko at hindi na nagsalita, medyo napahiya sa sinabi. Well, I don't have plans to keep my admiration towards him. Isa pa, halata naman sa mga kilos ko na gusto ko siya..
Masyado ba akong pangit para hindi i-crush back?
Nadaanan namin ang nagbibenta ng mga hikaw, bracelet at kung anu-ano pang accessories. Napahinto akong bigla at napatingin sa mga naka-display doon. It's not branded, alright, but I want to buy! Kahit iyong bracelet lang na gawa sa sobrang nipis na lubid.
Napansin ni Kenzo ang aking paghinto. He look at me, asking why I stopped. Magsasalita sana siya kaso hinatak ko siya palapit kay ate na nagbi-benta.
"You're a big spender," I heard Kenzo muttered. Sinamaan ko siya ng tingin.
"May sinasabi ka ba?"
He bit his lower lip and shook his head. Gusto king matawa. He look so innocent doing that.
Pumili ako sa mga bracelet at nagustuhan ang isang Tibetan lucky knot bracelet. Kulay pula iyon.
Binalingan ko si Kenzo na walang ganang nakatingin sa napakaraming accessories. Bumaba ang tingin ko sa pulso niya at wala siyang suot na kahit ano maliban sa suot niyang mamahaling relo.
BINABASA MO ANG
Chaining the Heartless
RomanceAlissa Nicolette Acosta is a happy go lucky nursing student of Lyceum Northwestern University. Surrounded by funny friends, her attention got caught by Kendrick Alanzo Galvante, a 3rd year college student of medicine. With that heartless eyes, Alis...