10

391 15 6
                                    

Chapter Ten
Blood-letting

"Hulaan niyo kung sino'ng kasama ng pangit kong pinsan noong Linggo na bumisita sa apartment ko.." Sabi ni Archon sa nanunuksong tuno. Tinignan niya ako at nagngiting aso sa mapaglarong paraan.

We're inside the bookstore. Nasa likod kami ni Iris at sunod lang kami ng sunod sa kaniya habang namimili siya ng libro.

Hindi pumasok si Archon noong Lunes at Martes. Na-admit kasi ito sa ospital dahil nilagnat na naman. Ang akala ko'y bubuti na ang kaniyang lagay matapos kong bisitahin sa gabing 'yun ngunit hindi. Dalawang araw na ring hindi ko pa nakikita si Kenzo o kahit ang anino man lang niya.

"Sino? Bagong bebe mo?" Sinabayan ni Maggie ang aking pinsan sa pangi-intriga.

Gusto ko silang ignorahin pero ang maisip na si Kenzo ang tinutukoy, napapangiti ako. I can't help it!

"Aba! Kita mo, Pornhead? Ngumiti ang bruha!" OA na nagtakip ng umawang na labi si Maggie. Akala mo naman ngayon lang ako nangiti ng ganito sa buong buhay ko. "Sino'ng kasama niya, Archon? Gwapo ba?"

"Oo, kamukha ko nga e." Archon answered mischievously. I cringe and want to slap him using a mirror. Gwapo naman siya pero mas gwapo si Kenzo 'no!

"Ah, pangit." Dismayadong umiling-iling si Maggie at kunwaring tumingin-tingin ng libro.

"Ang sakit mong magsalita, Margaux. Ang mga gwapong tulad ko, hindi deserve na tawagin sa nakakadiring salitang 'yan. Tss." Archon roll his eyes. Natawa ako dahil sa kaniyang pag-irap. Bakla ba 'to?

Bigla akong hinarap ni Maggie. Agad siyang nagngising aso kasabay ng panliliit ng mga mata. I know this reaction because I am well familiar with it. Hindi ako titigilan nito hanggang hindi ko sinasabi kung sino. Hindi ko naman itatago kay Maggie. She's my friend and I do trust her like on how I trust Iris and Archon. Kaso, alam ko ang ugali ng bruhang 'to. Aasarin ako nito at ang malala, baka tawagin niya si Kenzo kapag nakita namin.

Ayaw kong gawin niya 'yun dahil ayaw kong... mapahiya.

Paano kapag tinawag niya nga si Kenzo at hindi ako pinansin? Masakit 'yun. Hindi pa naman namamansin ang Asul na 'yun. Psh.

"Sinong kasama mo nung Linggo ha?" Intriga ni Maggie.

I pouted. Kinakati na ang dila kong sabihin sa kaniya kahit na alam kong tsismosa ang isang 'to.

"Kenzo Galvante," Sabay kaming napatingin kay Iris dahil siya ang sumagot. She's scanning the back of the book where the summary is written.

"Sinong nagsabi sa'yo? N-Nakita mo ba kami?" I ask. Hindi ko naman itinatago. Nabigla lang ako dahil alam niya.

Nag-angat ng tingin si Iris at ininguso ang pinsan ko na nasa tabi na nung magandang cashier.

"Kinuwento ni Pornhead kaninang umaga."

Nagngitngit ang aking ngipin. Pwede bang ibato itong makapal na libro sa kaniya ngayon? Well, I am not expecting that the great Mark Ion Acosta to stay quite.

Biglang tumili si Maggie, nakalimutan atang nasa bookstore kami. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at niyugyog sa tuwa. Halos sabunutan pa ako ng bruha.

"Wahh!! Seryoso ba!? Wahh! Malandi ka talaga! Nakakaproud ka! Wahh!" Para siyang nanalo ng lotto.

Ako naman, hindi mapigilang mamula sa kilig. Naalala ko na naman ang gabing 'yun! Kinikilig na naman ako!

Chaining the HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon