Chapter 17
Jealousy Under the RainThe next day, Maggie attended the class but I noticed something. Namumugto ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak. I asked what happened but she refused to answer. Ang tanging sagot niya lang ay:
"Wala 'to, Allie. Okay lang ako," then she chuckle a bit, a fake one.
Hindi ako kombinsido sa kaniyang sagot. Hindi ako naniniwala na okay lang siya. She's not okay, I can feel it.
It was our last subject before lunchtime when Maggie excused herself to go to washroom. Nang trenta minuto na ang lumipas at hindi pa ito bumabalik, tumayo na ako upang magpa-alam din. May pakiramdam akong may problema siya.
When I entered the washroom, I heard sobs. It's Maggie's. Pumunta ako sa saradong cubicle at kumatok. Nag-aalala ako para sa kaibigan.
"Maggie! Are you okay—" I stopped when the door opens. "Okay ka lang—" Bigla akong niyakap ni Maggie.
Humikbi siya sa aking balikat. Mahina ang kaniyang hikbi pero damang-dama roon ang sakit. I caressed her back, trying to help her to feel better.
"N-Nagmahal lang naman ako, Allie..." She cried.
Hindi ko inusisa ang dahilan ng kaniyang pagluha. Hinayaan ko siyang umiyak sa aking balikat hanggang tumahan siya. Kung hindi niya kayang sabihin, okay lang. I'm still here to comfort her.
Lumabas kami noong lunchtime. Archon isn't with us. Nang mapansin ni Iris ang mata ni Maggie, kitang-kita ko ang kagustuhan niyang magtanong pero mas pinili niyang itikom ang kaniyang bibig.
Ala-sais na natapos ang aming klase. Nag-extend kasi ang prof namin ng isang oras dahil may kailangan itong i-discuss. He also announced that we have quiz tomorrow.
Tatlong subject ang nag- announced na may quiz bukas. Sumasakit tuloy ang aking ulo sa kaiisip kung paano ko ito magri-review ng sabay-sabay.
Ako ang huling lumabas ng aming classroom dahil hindi ko mahanap ang aking notes sa Nutrition. I sighed before giving up. May quiz kami roon bukas! Wala akong notes na mari-review!
Pagkalabas na pagkalabas ko, natigil ako. Sa gilid ng pintuan, naroon si Kenzo, nakasandal sa dingding. Nang makita niya ako, umayos siya ng tayo bago humarap sa akin.
My lips form a smile automatically.
"Are you waiting for me?" Punong-puno ng pag-asa ang aking tuno.
"No." He said as he stare coldly. I look at him with peering eyes because I don't believe him.
"Anong ginagawa mo rito kung ganoon?" I advance a step to be near him. His cold stare didn't change.
"Waiting for someone else,"
"Sino?"
"Remember when I told you that I already like someone?" Unti-unting nawala ang aking ngiti. "I'm waiting for her."
Tuluyan nang naglaho ang aking ngiti. I stepped backward, not wanting to go near him anymore. Nakita niya ang pag-atras ko. Bigla ko namang nakitaan ng pagbabawi ang kaniyang mga mata.
Inirapan ko siya dahil bigla akong nainis. Huwag niya rito hintayin iyang babaeng tinutukoy niya dahil nami-misinterpret ko!
"Tss. Sige. Maiwan na kita. Live happily ever after." I said sarcastically. Nilagpasan ko na siya.
BINABASA MO ANG
Chaining the Heartless
RomanceAlissa Nicolette Acosta is a happy go lucky nursing student of Lyceum Northwestern University. Surrounded by funny friends, her attention got caught by Kendrick Alanzo Galvante, a 3rd year college student of medicine. With that heartless eyes, Alis...