Chapter Three
Sparkle's Birthday Party"Oh? Buhay ka pa?" Salubong ni Archon sa papalapit na si Maggie.
Umirap si Maggie dahil sa nakaka-gagong tanong nito. Tumayo na kami sa roundtable dahil ra-rampa pa kami sa mall at bibili pa kami ng mga hindi namin kailangan.
"Suspended." Ani Maggie. We're now walking on the pathway.
Gulat siyang tinignan ni Archon. Tumaas naman ang kilay ni Iris.
"You?" Iris asked.
Maggie proudly shook her head and smirk evilly. Parang demonyeta na nakagawa ng kasamaan.
"Si Stacey. Duh? May proweba ako 'no. Ipinakita ko sa kanila ang conversation namin ni Cedrick. And Phillip testify that Stacey grabbed my hair first. Self defense lang ang ginawa ko."
"Anong sabi ng parents mo?"I ask this time.
Maggie shrugged at hindi na sinagot ang tanong. Inunahan na niya kami sa paglalakad.
Maggie shopped for her victory. Well, mapera naman ang gaga. Humiwalay naman sa amin si Iris dahil sa book store ang tungo nito. May bibilhin daw itong libro. Lagi namang bili ng bili ng libro 'yan. Kahit nabasa niya via phone, bibili pa rin ng hard copy.
Maggie is choosing her lip shade while I am looking for a new perfume. Hanggang ngayon, tanda pa rin ng aking ilong kung gaano kabango si Kenzo. His scent is so damn enticing. Parang gusto ko siyang iuwi at gawing air freshener ng kwarto ko.
"What are you looking?" Tumabi sa akin si Archon. Hindi ko siya pinansin at umamoy-amoy pa ng ibang perfume. "Magpapalit ka ng perfume? Huwag na. Mabaho ka rin lang naman."
Sinapa ko siya kaya napangiwi ito ngunit natatawa.
"Huwag mong sirain ang araw ko, Pornhead. Gusto mong ikwento ko kina Maggie na nahulog ka sa kanal noong mga bata pa tayo?" I fight back.
Sinisira ng lalaking 'to ang araw ko. Tuwang-tuwa ako dahil nakita ko sa clinic si Kenzo pero kapag nakikita ko ang damuhong 'to, nawawala ako sa mood. Gusto ko kasi siyang sakalin bigla.
"Mabango na ako ngayon 'no! Amoyin mo pa ako." His neck arched. Inilapit niya ito sa akin. Lumayo ako at nandidiri siyang tinignan.
"Amoy kanal. Psh!"
Umiling siya at natatawa pa rin. Kinuha niya ang isang perfume at inilahad sa akin.
"Ito ang gamit kong perfume." aniya. Tumaas ang aking kilay.
"Oh tapos?"
He is about to say something nang biglang may brasong pumagitna sa amin para kumuha rin ng perfume. Agad kong naamoy ang amoy na hinahanap ko. Nang tignan kung sino ang lalaki, nagulat ako nang si Kenzo iyon!
"Hey, shooting guard!" Bati sa kaniya ni Archon na may malaking ngiti. Oo nga pala't teammates sila.
Napanguso ako at pinipigilang mangiti. Nandito siya ngayon! Nasa iisang mall kami! Ako ba ang pinunta mo rito, bebeko? Char! Assumera ko talaga!
Tumingin si Kenzo kay Archon. Itinaas ng mabilis ni Archon ang kamay. It's his way to say 'hi'.
"Hey." Kenzo said very coldly. Then he look at me for a second. Walang ano-ano't umalis na ito patungo sa counter.
Nakita ko ang kinuha niyang perfume at katulad iyon ng inilahad ni Archon sa akin. Kinuha kong bigla ang hawak ng aking pinsan at tumakbo upang masabayan siyang magbayad.
BINABASA MO ANG
Chaining the Heartless
RomanceAlissa Nicolette Acosta is a happy go lucky nursing student of Lyceum Northwestern University. Surrounded by funny friends, her attention got caught by Kendrick Alanzo Galvante, a 3rd year college student of medicine. With that heartless eyes, Alis...