Chapter One
RememberDahan-dahan at maingat kong binubuksan ang aming gate. Sinisikap kong hindi makagawa ng ingay dahil kapag nahuli ako, pagagalitan ako.
Syempre, sino ba namang hindi pagagalitan e alas nuebe na ng gabi ako nakauwi. Matapos kasi naming maglibot sa SM, nagyaya na naman si Maggie na pumunta sa bagong bukas na mall. Ako namang si tanga, nagpauto. Bukod tuloy sa late na akong nakauwi, ubos pa ang pera ko. Idagdag pa ang pagkatalo ko sa pustahan namin ng pinsan ko.
Ewan ko ba kung bakit napakagastos ko. Minsan naiisip ko na ngang mag-blind fold nalang kapag magsha-shopping. May makita lang kasi akong maganda, gusto ko nang bilhin. Kaya huwag na kayong magtaka kung binili ko sarili ko. Hehe. Char!
Maliwanag pa ang buong bahay indikasyon na hindi pa tulog ang mga tao sa loob. Matagumpay naman akong nakapasok sa gate kaya ang kailangan na lang ay maisara ko ito ng maayos, iyong walang tunog. Ang balak ko'y pumuslit paakyat ng kwarto ko at bumaba na kunwari'y kanina pa naka-uwi, nakatulog lang. Mukhang imposible pero susubukan ko. Kesa naman mapagalitan 'no.
"Late ka na naman!"
Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang nagsalita. Bumaba ang tingin ko sa maliit kong pamangkin na mistulang dwende. Humawak siya sa kaniyang bewang at pinanliitan ako ng tingin.
"Shhh!" I put my pick finger on my lips. Tumingin pa sa veranda at baka may tao roon. Alas syete ang curfew ko and when they found this out, I'm doomed.
"Why are you late, Titay?" She whispered cutely. She called me 'Titay' again. How gross! Si Kuya nagturo sa kaniya no'n e! Okay lang sana kung 'Tita Ganda'!
Lumuhod ako upang mag-lebel ng kaunti ang aming mga mata. Itinapat kong muli ang aking pick finger sa labi.
"Don't report me." Mahina kong sabi na may halong pagbabanta.
Inilahad niya ang kaniyang palad. Napairap ako nang alam ko na ang kailangan ng batang 'to. Kinuha ko ang chocolate na binili ko sa aking bag. Nang makuha na niya iyon, cute siyang ngumiti sa akin. Suhol lang talaga ang katapat ng batang 'to.
"Thank you, Titay! You're really my favorite Tita." She said and smiled so cutely.
Syempre ako lang tita mo. Gosh! I can't resist my niece's cuteness.
Sparkle is not allowed to eat sweets at night but she really want it. One night, her squeal filled my room. Nagsusumbong sa akin dahil gusto niya raw ng chocolates at ayaw siyang pagbigyan ng kaniyang mommy. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak kaya kahit bawal, patago ko siyang binibigyan ng chocolates sa gabi. Pasalamat siya't mabait akong tita.
"Brush your teeth before going to bed." Tumango ang apat na taong gulang kong pamangkin. "So... where are the people?"
She opened the chocolate and happily chew it.
"Lolo and Lola is already in their room. Mommy is in the kitchen and Titoy is in his room together with tito Archon." Tumaas ang kilay ko.
BINABASA MO ANG
Chaining the Heartless
RomanceAlissa Nicolette Acosta is a happy go lucky nursing student of Lyceum Northwestern University. Surrounded by funny friends, her attention got caught by Kendrick Alanzo Galvante, a 3rd year college student of medicine. With that heartless eyes, Alis...