Chapter Six
Girl in CubicleNanatili ako sa aking kinatatayuan. Nagulat ako at parang hindi ko mai-proseso kung sino ang lulan ng sasakyang nasa aking harapan ngayon. Nang hindi ako gumalaw at nanatili lamang, tumaas ang kaniyang kilay sa akin.
"Get inside." He said again with his icy voice.
"H-Huh?"
He secretly clenched his jaw. Tinignan niya muna ang harapan bago sa akin.
"I'll take you home."
Hindi ko alam kung nananaginip ba ako. Baka tulog pa ako't nasa library pa talaga?
Pumasok ako sa front seat. Nang makaupo na, lihim kong kinurot ang aking sarili. Napapikit ako dahil sa sakit. Hindi nga ito panaginip!
The engine roared to life. Tumikhim ako at inayos ang sarili mula sa pagkakaupo. Sinilip ko siya at agad kinagat ang labi upang itago ang ngisi. Ang bango sa loob ng kaniyang sasakyan! At kahit madilim, kitang-kita kung gaano katangos ang kaniyang ilong. Para siyang isang prinsepeng nagmamaneho. At syempre, ako ang prinsesang nakatadhana sa kaniya. Char!
"Stop staring." He said even though he didn't look at me.
Tumikhim ako at inayos ang upo. Parang ang init! Nakapatay ba ang aircon niya?
Ini-check ko ang aircon at nakafull naman iyon. Pero bakit ang init? Baka dahil sa damit ko? E hindi naman ako naka-jacket. Napahawak ako sa aking pisngi. Namumula ata ako dahil ang init ng pisngi ko. Oh baka naman ay nilalagnat ako!
The atmosphere between us is so silent. Nakakabingi ang katahimikan. Ilang beses ko siyang tinignan upang silipin ngunit seryoso lamang itong nakatingin sa daan. Para bang wala siyang katabi. Napanguso ako. Ang gwapo niya na nga habang may hawak na stethoscope, ang gwapo rin kapag may hawak ng bola at napaka-gwapo kapag may hawak na manibela. Seriously? He's so freaking handsome!
"Pwede ba kitang kunin bilang driver?" I ask. Hindi ko alam kung saang parte ng aking utak nagmula ang katanungang iyon.
Nilingon niya ako ngunit mabilisan lang bago seryoso muling tumingin sa daan.
"I'm not for hire."
Napanguso ako at napatingin sa harapan. Nagpipigil ako ng ngiti dahil nakakakilig na nasa iisang sasakyan kami ng crush ko. Kung si Maggie ang nasa sa aking sitwasyon, naka-score na iyon. Pero paano ako makaka-score kay Kenzo? E ang sungit-sungit ng doctor na 'to. Tss.
"Sayang." I said in low voice.
Nakita ko ang palihim niyang paglingon.
"Nagji-jeep ako minsan kapag umuuwi. Minsan naman ay sabay kami ni Kuya. Pero madalas ay kay Archon ako sumasabay." I said just to break the silent atmosphere.
Hindi nagbago ang kaniyang reaksyon, seryoso pa rin.
"So?"
I shrugged. Inimpit ko ang aking ngiti. Ang gwapo niya kahit seryoso.
"Wala lang. Para aware ka."
"Tss. This is the first and will be the last time you'll enter this car."
Tinignan ko siya ng masama.
BINABASA MO ANG
Chaining the Heartless
RomanceAlissa Nicolette Acosta is a happy go lucky nursing student of Lyceum Northwestern University. Surrounded by funny friends, her attention got caught by Kendrick Alanzo Galvante, a 3rd year college student of medicine. With that heartless eyes, Alis...