Chapter Two
Athlete's Clinic"Maggie, I'm sorry..." Archon apologize. Inirapan lamang siya ni Maggie.
Nasa isang kainan kami sa labas ng campus. Masaya akong kumakain ng in-order ni Archon para sa akin. Sarap na sarap ako. Syempre, libre e. Ibinigay ko na sa kaniya iyong pusta ko kaya naman nanlibre ang damuho.
Iris is beside me and she's just eating peacefully. Kaso, itong si Archon at Maggie ay nag-aaway. Ito raw kasing si Archon ay sa iba 'pinahiram ang hinihiram ni Maggie. Hindi ko alam kung ano'ng hinihiram ng bruha.
"Ako ang naunang nagsabi tapos sa iba mo ibinigay? Hindi ka na kasama sa squad. Traydor!" Ani Maggie na sobrang sama ng tingin.
"Sorry na nga e." Archon pouted.
"Huli na ang lahat, Archonio!"
"Edi, belated sorry?"
Agad siyang kinaltukan ni Maggie sa ulo dahil sa kagaguhan niya. Tumawa si Archon at tuwang-tuwa pa. It's a sign... bati na sila.
"Bawiin mo 'yun! Ako ang hihiram!"
"Oo. Mamaya, sasabihin ko."
"Ano ba 'yang hinihiram mo, Maggie?" Tanong ko dahil kuryoso na sa pinag-aawayan nila.
"Jersey ni Ethan." Maggie answered me. Nangiti siya bigla na tila hindi galit kanina.
"Pano napunta kay Pornhead ang jersey no'n?" Si Iris naman ang nagtanong.
"Pinahiram sa akin ni Ethan noong wala akong spare jersey." Archon answered.
"Tapos pinahiram din niya doon sa magandang babaeng ka-blockmate niya. Tss." Maggie glared at him. "Sa magaganda lang mabait." Dagdag niya pa kasabay ng pag-irap.
"She need it, okay? Nabasa siya kahapon kasi umulan. Kawawa naman kaya pinahiram ko." Archon is defending his self.
"Mabait ka pala e. Kailangan ka ni Lord sa itaas kaya ano pang ginagawa mo rito?"
Natawa ako sa sinabi ni Maggie. Sumama ang tingin ni Archon kay Maggie at sa akin. Agad akong nag- piece sign. I'm not siding her, okay?
"Natawa lang."
"Stop fighting. Let's study." Iris said and she took out her notebook.
Agad kaming napatayong tatlo. Tumaas ang kilay ni Iris nang mag-angat ng tingin sa amin.
"May training kami." Archon said as an excuse.
Tumaas naman ang kaliwang kamay ni Maggie na tila sasagot sa recitation. Sa recitation ay hindi 'yan nagtataas ng kamay. Tss."May ka-date pala ako. Hehe." aniya.
"At ako naman..." I'm also thinking for my excuse. "May gagawin pa pala ako." I get my bag.
Umirap si Iris ngunit halatang natatawa. "Sabihin niyo lang kung ayaw niyong mag-aral. Tss."
Aalis na sana ako nang biglang may maalala.
"Wait!" Natigil din ang dalawang paalis na. Habang nakatayo, bunuksan ko ang bag ko upang kunin ang dalawang invitation cards para sa birthday party ni Sparkle. Inilapag ko iyon sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Chaining the Heartless
Lãng mạnAlissa Nicolette Acosta is a happy go lucky nursing student of Lyceum Northwestern University. Surrounded by funny friends, her attention got caught by Kendrick Alanzo Galvante, a 3rd year college student of medicine. With that heartless eyes, Alis...