18

303 14 0
                                    

Chapter Eighteen
In His Condo

Bumalik kami sa school dahil naroon ang kaniyang sasakyan. Nang nasa parking na, may kinuha siya sa kaniyang compartment at inabot sa akin ang puting towel. I was about to ask what I am going to do with that but he put it under my shoulder. Kinagat ko na lang ang aking labi upang pigilang mangiti.

Nilalamig ako sa loob ng kaniyang sasakyan habang nasa byahe. Hindi ko ipinahalata iyon pero nahalata parin niya at pinatay ang aircon ng kaniyang sasakyan.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. I smile and nodded as I hugged the towel.

"Okay lang ako,"

"Don't worry, malapit na tayo." aniya.

Huminto siya sa tapat ng isang drugstore at hinarap ako.

"Wait me here. I'll be quick." I nodded.

Pumasok siya sa convince store sa tabi ng drugstore at pagkalabas, pumasok na naman sa drugstore. Ilang saglit pa, bumalik siya dala ang dalawang plastic bag. Sa unang plastic bag, kinuha niya roon ang kape na nasa paper cup. Binuksan niya at hinipan bago iabot sa akin.

"Drink it to heat your body." Aniya na sinunod ko naman.

Pitong minuto lang ang naging byahe mula sa eskwelahan hanggang sa kaniyang condo. Nang nasa tamang palapag na kami, sinundan ko siya. He entered his passcode, then open his door for me to enter first.

Pagpasok ko, pakiramdam ko ito ang una kong punta rito. Kung kanina nilalamig ako, ngayon nagyelo na ata ang aking katawan dahil hindi na ako maalis sa kinatatayuan. I don't know what to do first! Uupo ba ako? Sa couch? Sa stool? Sa dining chair? Saan!?

Pumasok si Kenzo sa kaniyang kwarto at paglabas niya, may dala na siyang puting T-shirt at isang urban short. Inilahad niya iyon sa akin.

"Here. Change your clothes before you get cold."

Nilalamig na ako, kanina pa kaya.

"T-Thanks," Tinanggap ko ang  damit.

Pumasok na ako sa kaniyang bathroom. Dalawa ang bathroom ng kaniyang condo. Ang isa ay sa loob ng kaniyang silid at ang isa naman, kung nasaan ako, ay ang visitor's bathroom.

I took a hot shower. I used his shower gel and his body wash. Pagkatapos, may drawer sa bathroom kung saan naroon ang mga malinis na towel. Pagkakuha ko roon, inamoy ko at agad kinilig dahil amoy Kenzo iyon.

I changed, putting on his clothes. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin at agad napangiti sa tuwa. Malaki ang kaniyang T-shirt sa akin pero bumagay naman. Kumasya rin ang kaniyang short dahil adjustable naman ito. Ang for my undies, ini-dryer ko ito at ini-blower upang tuluyang mamaga.

His bathroom essentials were complete and his things were on their places. His neatness is making him more attractive.

I wrap the towel on my hair before leaving the bathroom. Pagkalabas ko, nakita ko agad siya sa kusina habang nagluluto. He glance at me so I smiled. Unti-unting bumaba ang kaniyang tingin sa aking suot at medyo umawang ang kaniyang labi. He immediately cleared his throat and look at the pan.

"It looks good on you," He whispered before turning off the stove.

Lumapit ako upang tumabi sa kaniya. Tinignan ko ang kaniyang niluluto at mukha itong masarap.

"Do you want to taste it?" He ask. Tumango naman ako na parang bata.

Kumuha siya ng kutsara upang kumuha ng maliit na portion ng sabaw ng sinigang bago ilapit sa aking bibig, akma akong susubuan. Hinawakan ko ang kaniyang pulso bago iyon isubo.

Chaining the HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon