Chapter Nine
City night
Napahakbang ako paatras dahil sa pagkakagulat. Nakatingin lang si Kenzo sa akin gamit ang seryoso't madidilim na mga mata. Tikom rin ang kaniyang bibig..He's wearing a black slacks and black leader shoes. Naka tack in din ang suot niyang puting T-shirt. Sa suot niya, tila may pinuntahan siyang okasyon.
"M-Magpapakamatay ka ba?" May bahid ng inis ang aking tono.
Dumami ang dumadaang sasakyan kaya umingay ang paligid. Inaasahan ko ang sagot ni Kenzo pero nanatili siyang tahimik. I sighed. Ano bang trip nito? Trip to heaven ba?
"Kung tatalon ka rito, masyadong mababa." Tumingin ako sa paligid at itinuro ang matayog na building. "Doon ka na lang magpakamatay oh! Mas mataas ang building na 'yun at sure na tege ka. Dito sa tulay, may tsansa pang mabuhay ka!"
I can't help but to be mad. Kung magpapakamatay siya, sana'y isipin niya muna ang kaniyang mga disisyon! Ang daming nakikipaglaban sa sakit para mabuhay! Maraming tao ang nagsasayang ng pera sa ospital para madagdagan lang ng kahit ilang araw ang kanilang paghinga tapos siya'y sasayangin lang?
"Kung may problema ka, you can consult-"
"Tss. I won't commit suicide." He said, almost a whisper before facing the lights from a far. Lumapit siya sa bridge barrier at itinuko roon ang forearm.
Hindi siya magpapakamatay?
Bigla akong nahiya sa mga pinagsasabi ko. I'm just worried, okay? Sino ba naman kasing hindi mago-over react kapag nakita siyang humakbang sa bridge barrier?
Lumapit ako kay Kenzo. Ginaya ko ang kaniyang posisyon pero sa kaniya ako nakatingin. Ang bango niya! Kaso may ibang amoy na humahalo sa kaniyang pabango. Amoy... alak?
"Akala ko ba'y umuwi ka sa inyo? Isang araw ka lang ba roon at umuuwi agad pagdating ng linggo?"
Unti-unti niya akong nilingon. Ang kaniyang pisngi ay mamula-mula katulad ng kaniyang labi. The bridge of his nose were a bit red. Namumungay rin ang mga mata at mabibigat ang bawat pikit ng kaniyang talukap.
Ilang sigundo niya akong tinitigan bago binalik ang tingin sa malayo.
"I don't usually stay there for long." He said using his husky voice. Inaantok na nga. Kaso, nang maamoy ko ang malakas na amoy ng alak, kumunot ang aking noo.
Para makasiguro, nang lingunin niya ako ay inilapit ko ang aking ilong sa kaniyang labi. Sa sobrang lapit nun, muntik na niya akong mahalikan.
Agad niyang inilayo ang ulo. Umayos siya ng tayo at sumama ang tingin.
"What are you doing?"
Umayos na rin ako ng tayo. Amoy alak ang kaniyang hininga na may halong mint. Mabango iyon para sa akin pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Lasing siya at nasa gilid pa ng tulay. Paano kapag bigla siyang nahilo at tumawid sa kalsada? Nabunggo pagkatapos ay namatay?
"You're drunk." Puna ko. Nawala ang pagkakunot ng kaniyang noo pero kalakip nun ang lalong nakakapanlamig niyang mga titig.
"I'm sober now," Aniya na hindi ko pinaniwalaan. Sa pagkurap pa lang ng kaniyang mga mata, halatang may tama pa ang isang 'to. Tss.
"Dala mo ba ang sasakyan mo?" Umiling siya.
"Naiwan."
"Saan mo naiwan?"
"I can't remember."
Napasinghap ako. Alam kong alam niya, hindi niya lang sa akin sabihin. Hindi ko nanakawin ang sasakyan mo 'no! Tss.
BINABASA MO ANG
Chaining the Heartless
RomanceAlissa Nicolette Acosta is a happy go lucky nursing student of Lyceum Northwestern University. Surrounded by funny friends, her attention got caught by Kendrick Alanzo Galvante, a 3rd year college student of medicine. With that heartless eyes, Alis...