Chapter 1: Masama Ba Talagang Mahulog Sa Isang Kaibigan?

548 14 0
                                    

Disclaimer:

I condone plagiarism. I encourage you to share the story, but do not copy it to your page/s without giving full credits to me, the author. Plagiarism is a crime and can cause you some serious damages. If I receive some news about it, I will not hesitate to investigate and press charges. Thank you.

fun fact
this story is very close to my heart because:
60% of this story is based on my personal life and
40% is what i wish couldve happened and what i couldve done on some scenarios.

~

~

• Story Starts here •

Masama ba talagang mahulog sa isang kaibigan? Bakit kaya takot tayong mahulog sa kaibigan natin? Dahil ba baka kaibigan lang talaga tingin nila satin? Ayaw lang ba nating masayang o mawala yung ilang taong pinagsamahan? Pano kung magkaron sila ng iba? Matatanggap ba talaga natin ito ng lubos? Pano kung habang masaya sya, mabubuhay ka naman sa panghihinayang at lungkot? Hayaan nyong ibahagi ko ang aking kwento sa inyo.

Hi. Ako si James. First year high school pa lang ay magkaibigan na kami ni Mac. Sobrang opposite namin, pero hindi ko rin alam kung bakit kami nagclick. Sobrang confident nya, ako naman mahiyain. Easy-go-lucky sya, ako naman subsob sa pag-aaral. Misteryoso yung dating nya, ako naman mga sagot ko lang sa exam ang misteryoso saken. Crush sya ng campus pero ako, sikat din naman... pero dahil kaibigan ko sya. Para nya na rin akong secretary na sumasagot ng schedule nya sa mga fans nya. Pero minsan naman hindi ko sinasabi ang totoo sa kanila kung gusto talaga muna ng katahimikan ni Mac. Marami na syang pinaiyak at pinaasang babae habang ako naman... pinapaiyak ng mga homeworks at exams!

Di ko rin alam kung bakit kami magkaibigan. Siguro nagustuhan nyang makipagkaibigan saken dahil sa sense of humor ko at kaya kong sakyan yung pagiging seryoso nya. At dahil na rin siguro magkatabi kami sa upuan sa sulok sa likod nung first day ng first year high school kaya no choice kundi kaming dalawa lang mag usap haha.

• • •

[First Year High School days]

"James, pwede mo ba kong turuan sa Algebra mamaya?" sabi ni Mac saken.

"Hindi ka nanaman ba nakinig?" sagot ko naman.

"Naisip ko kasi yung pinanood kong video na 'Easy Way to Cook Chicken Parmesan', iniisip ko kung kaya ko rin bang lutuin at kung magiging masarap ba?" sabi ni James habang nakatingala at nakatingin sa kisame.

"Talaga ba? Isa't kalahating oras puro yun lang iniisip mo? Sabihin mo, iniisip mo yung pagschedule ng araw at oras sa paglandi mo sa mga babaeng nakapila sayo!" biro ko sa kanya.

"Grabe. Ang harsh ha? Sige na, alam ko namang di mo matitiis kaibigan mo e. Haha." sabi nya habang hinihila ang braso ko.

"Oo na, basta libre mo ko ng milktea ha, yung matcha!" sagot ko sa kanya.

"Sus, yun lang ba? Dagdagan mo pa!" biro ni Mac.

"Walang problema! Tsaka ano pa..." naudlot kong sagot sa kanya.

"Hoy joke lang! Oportunista ka! Haha" pabiro nyang sabi.

"Kuripot! Sige na. Anjan na si Mam, mamaya na tayo mag-usap." sabi ko kay Mac habang umaayos ako ng pag-upo.

• • •

5pm nang matapos na lahat ng klase namin. Sabay kaming pumunta sa library ni Mac.

"Ang dami namang tao ngayon. Halos wala ng maupuan. Algebra din kaya problema nila?" sabi ni Mac.

"Baliw! Feeling mo lahat related sayo. Ayun dun tayo, may bakante pang dalawang upuan dun oh." sabi ko sabay turo ng upuan.

Mga sampung minuto ang nakalipas mula sa pagkakaupo namin ni Mac, napansin kong parang pamilyar yung mukha nung nasa harapan namin.

"Miss, do I know you? Parang pamilyar mukha mo saken?" sabi ko sa babaeng nasa harap namin.

"Familiar talaga, magkaklase tayo e haha. Dont worry, i get it naman. Kahit two weeks pa lang tayong magkakaklase, sa sobrang famous nyong dalawa dito sa campus, malabo talaga na makilala nyo lahat." natatawang sabi saken nung babae.

Ang sarcastic ng sagot ha? Pero okay haha.

"Ay, di naman sa ganun. Mahiyain lang talaga ko at di ako sanay tumingin ng direkta sa mukha ng tao, lalo na pag nasa bagong atmosphere ako. Pero I swear, hindi naman ako suplado." sagot ko naman.

"Oo. Napatunayan ko na ngayon, ikaw nga unang bumati saken e. Ako nga pala si Bing." sabi nya sabay abot ng kamay nya para makipaghandshake.

"Ah yes, so rude of me. James. Im James. Ito naman si Mac." sagot ko naman at tinanggap ang handshake nya.

Ngumiti lang si Mac kay Bing.

"Yes, kilala ko na kayo. I think lahat naman kilala kayo haha. Nice to meet you both." sabi ni Bing sabay ngiti.

"Nice to meet you din. Teka, Algebra din ba yang inaaral mo? Need mo ba ng tulong? Sabay ko na kayong i-guide ni Mac oh." tanong ko sa kanya.

"Ha? Nakakahiya naman pero sige sayang naman tong opportunity na to, medyo mahirap din kasi talagang intindihin e." nahihiya nyang sagot.

At doon nagsimula ang pagkakaibigan naming tatlo.

• • •

up next

Chapter Two:
PetVille

• • •

please

Vote

Comment

and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

I hate you, MacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon