Nung sumunod na linggo ay bumalik na ulit ang mga nanay namin sa Israel pero hindi na sila nagpahatid samin kasi Monday ang flight nila at ayaw nilang makaabala sa klase namin.
Flashforward, makalipas ang ilang buwan. Nagkaroon na ako ng mga bagong kaibigan sa school. Naka-close ko na rin ang mga roommates ko, pero hindi kagaya ng closeness nila kay Mac. Naramdaman kong medyo guarded pa rin sila saken. Pero okay lang, at least, nakakabiruan ko na rin sila.
Isang araw...
"Ano ba naman yan, Mac!? May sarili kang kama pero halos araw-araw kitang sinasabihan na wag kang tumatambay sa kama ko! Nakahiga ka na nga, nakahubad ka pa! Ang dali tuloy marumihan ng bedsheet ko!" naiinis kong sabi kay Mac.
Medyo mainit rin kasi ulo ko nun galing school. Dahil na rin siguro sa finals na ng 1st sem at stress ako sa mga projects.
"Oo na! Bunganga naman neto oh! Pwede mo namang sabihin ng maayos!" galit na sabi ni Mac.
"Bakit?? Araw-araw kitang sinasabihan ng maayos, pero hanggang ngayon ginagawa mo pa rin!" sigaw ko kay Mac.
"Txngina parang yun lang e noh??? Sayo na yang kama mo! Lamunin mo!" sigaw rin nito saken sabay padabog na umakyat sa kama nya.
Pinagtitinginan kami ng mga roommates namin dahil tuloy pa rin yung sigawan namin. Kaya naman...
"Mac, tara. Bili tayong pagkain sa baba." sabat ni Kuya Em samin, yung lalaking gumising saken nung first day. Alam kong way nya ito para paglayuin muna kami ni Mac. Sumunod naman si Mac at dali-daling kinuha yung wallet nya.
Sa totoo lang, ilang buwan pa lang kami ni Mac dito, pero napansin ko ang malaking pagbabago sa ugali nya. Hindi na sya yung gentle na Mac na kilala ko nung high school kami. Mas bargas, insensitive at may pagkamayabang na sya ngayon.
Napapadalas na rin ang pag-aaway namin. Hindi na rin sya marunong magsorry gaya ng dati. Mas madalas nya ring kasama at kausap ang mga roommates namin kesa saken. Wala akong magawa kundi ang maiyak kasi feeling ko, mag-isa lang ako dito sa Maynila.
Kahit si Bing, di na marunong sumagot ng tawag kapag kailangan ko sya at gusto kong mag-open up ng problema. Ni hindi pa nga kami nagbbonding na tatlo simula nung nalipat kami dito. Salisi kasi schedule namin pare-parehas. Panghapon sila ni Mac at pang-umaga naman ako. Isa pa, nakikita ko sa social media na masaya na rin si Bing sa mga bago nyang kaibigan.
Hindi ko alam kung di lang ako marunong magmove forward o masyado lang akong possessive sa kanila ni Mac.
Makalipas ang dalawang linggo. Nagkaroon ng maliit na pagsasalo-salo sa dorm kasi birthday ni Mon, yung isa naming roommate. Naisipan din nila na magkaroon ng games.
Sobrang awkward kasi naging magpartner kami ni Mac sa paper dance nang dahil sa bunutan. Pero unti-unting nabalot ng excitement at saya dahil sa patuloy na pagliit ng papel. At nang hindi na kasya ang dalawang tao sa papel, dali dali akong binuhat ni Mac pagkatigil na pagkatigil ng kanta. All of a sudden, naging nostalgic ang lahat. Naalala ko bigla yung Mac na minahal ko nung high school habang nakatingin ako sa mukha nya. Specifically yung pinakaunang time na naramdaman kong may feelings pala ako sa kanya. Yung time na nag-aasaran sila ni Bing noon at niyakap nya ako.
Grabe, naiiyak ako inside. Namimiss ko yung Mac na yun and Im still hoping na bumalik sya at itrato ulit ako kagaya ng dati.
Dahil sa larong ito, unti-unti na ulit kaming nagpansinan ni Mac nung mga sumunod na araw at nanumbalik sa normal ang lahat. Though may boundries, pero okay pa rin to saken.
• • •
up next
Chapter Twenty Seven:
Type Na Type Nga Ako Nun• • •
please
Vote
Comment
and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!Thank you :)
BINABASA MO ANG
I hate you, Mac
RomanceHow long will the studious, top-student, James, hide his feelings towards the campus heartthrob and his best friend, Mac? What happens to a person who keeps on hiding his feeling for someone? Will it be really good to keep looking from afar? This is...