BING: Hayyyy ang bilis naman. Second year na tayo agad? Parang kelan lang kakikilala ko lang sa inyo sa library e. Akala ko nga ayaw saken nito ni Mac e, ilang weeks din bago ako tinuring na kaibigan talaga.
MAC: Malay ko ba. Akala ko isa ka sa mga makukulit na may gusto saken e.
BING: Alam mo buti na lang kaibigan lang talaga tingin ko sayo. Napakahambog mo. Ewww.
MAC: Eww ka jan. Ganda mo ha.
JAMES: Tama na yan. Mamaya magkadevelopan pa kayo, masusuka talaga ko.
MAC: James, pumunta tayo sa computer shop mamaya ha. Bisitahin natin yung PetVille natin.
BING: PETVILLE!? IKAW MAC?? ANG CRUSH NG CAMPUS, NAGLALARO NG PETVILLE??? Buti pa sana kung GTA yan e, medyo astig pa yun! Super ewww talaga! Hahahahahaha
MAC: HOY MANAHIMIK KA NGA HA! ANO NAMANG MASAMA SA PAGLALARO NG PETVILLE?? May gender role ba sa mga ganung games? Yang si James nga naglalaro din e.
JAMES: Hoy Bing, wag ka na lang maingay. Ayaw mo nun, at least kahit papano may soft spot naman tong kaibigan natin.
BING: Kung sa bagay hahaha. At least, ngayon nakita kong may vulnerable side ka pala Mac
MAC: SHUT UP!
Bago pa matapos yung first year high school, sabay kaming nahumaling sa paglalaro ng PetVille ni Mac. Nung una, para rin akong si Bing, nagulat din nung nalaman yun. Pero at the same time, nakakatuwa rin tignan na yung katulad nya naglalaro rin ng ganun.
Napadalas ang paglabas namin ni Mac para maglaro ng PetVille, halos araw-araw na rin ata pagkatapos ng klase. Ewan ko, para kasing ang saya at ang sarap kasama ni Mac. Tuwing aakbayan nya ko, feeling ko sobrang secured and safe ko, na parang okay ang lahat. Sobrang layo sa magiging first impression mo sa kanya. Sya rin nagturo saken na magrelax sa pag-aaral, na kailangan ko ring mapasaya ang sarili ko dahil bata pa kami. Hindi ko naman napapabayaan yung studies ko, kung yun ang inaalala nyo. Katunayan, nasa top class pa rin ako Parang nag give and take lang kami ni Mac. Tinuturuan nya kong mag enjoy and tinuturuan ko naman sya sa studies.• • •
"Bakit kaya absent si Mac ngayon?" sabi ko kay Bing.
"Aba malay ko! Kayo jan yung super bff e. Feeling ko nga extra lang ako sa pagkakaibigan nating tatlo e haha."
"Ang OA ha?"
"Parehas na parehas kayo ni Mac, nung one time na umabsent ka, tanong rin sya ng tanong kung bakit ka kaya absent, tapos wala rin syang bukang bibig kundi yung bonding moments nyo. Hay nako! Lalo tuloy akong nagtatampo."
Ha? Ako? Lagi nyang kinekwento? Bakit naman? Pero sa totoo lang, kapag absent sya, parang may kulang sa araw. Parang hindi masaya, ang seryoso ng buong araw ko... malungkot. Hindi ko alam kung nahuhul....
"Hoy natulala ka na jan!" sabi ni Bing saken kasabay ng pagbatok sa ulo ko.
"Hala grabe sya! Wag ka ng magtampo, kung gusto mo maglaro ka na lang rin ng PetVille haha"
"Ewwwwww so baduyyy"
"Bwiset. Ang arte! Edi bahala kang ma-OP!"
Nang biglang nagvibrate ang cellphone ko.
"Punta ko sa inyo after school mo ha? Bawal ang hindi pwede." text message mula kay Mac.
Ha? Bakit naman sya pupunta samin? Umabsent tas ngayon gagala? Ughhh. Napa-eyeroll at iling na lang ako.
• • •
up next
Chapter Three:
1 New Friend Request• • •
please
Vote
Comment
and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!Thank you :)
BINABASA MO ANG
I hate you, Mac
RomanceHow long will the studious, top-student, James, hide his feelings towards the campus heartthrob and his best friend, Mac? What happens to a person who keeps on hiding his feeling for someone? Will it be really good to keep looking from afar? This is...