Coronation night na! Grabe. Kahit hindi ako yung contestant, sobra akong kinakabahan para sa mga kaibigan ko. I want them to win so bad! Full support ako sa kanila. Kahit sa parade kahapon, sumama ako para alalayan sila. Maging sa talent night kagabi, kahit madaling araw na natapos, pinanood ko pa rin, third to the last kasi sila e.
Alam nyo bang kakaiba ang pinakitang talent ng mga kaibigan ko kagabi? Isang act ang ginawa ni Bing about sa mga minamaltratong OFWs na sadya namang pinaiyak kaming mga audience. Si Mac naman na laging kumakanta, ay sumayaw this time, kaya marami rin ang nagulat. Ewan ko kung bias lang ako, pero feeling ko talaga may laban silang makuha kahit yung Ms. and Mr. Talent. Ughhhh!!! Kabang kaba na ko!!! Let's see what will happen tonight.
Syempre hindi ito pageant kung wala ang most awaited na production number ng mga contestants. Ang theme nila ngayon is tribal kaya naman makikita mo ang naggagandahang katawan ng mga contestants. Napakaraming sumigaw pagkalabas na pagkalabas ni Mac. Halos magkasakitan na yung mga babae at mga beki na nasa crowd.
"Halaaa tignan mo yung 4A! Bagay na bagay sila no? Parehas maganda at gwapoooo!" sabi nung nasa harap namin ni Agatha.
Sa totoo lang, marami ang natutuwa sa pairing ni Mac at Bing. May nabasa pa ko minsan sa isang post na may unexpected chemistry daw sila. Marami daw talagang kinikilig sa kanila sa rehearsals. Siguro, natural lang naman saken yung magselos kahit alam kong kaibigan ko itong si Bing. Pero alam ko rin namang wala akong karapatan at alam ko rin namang simula pa noon, walang gusto itong si Bing kay Mac e. Sana...
Sa 18 pairs na naglaban-laban, nakapasok si Mac at Bing sa top 10. Then after ng casual and evening attire, nakapasok sila parehas ng top 5! Grabe, wala pa sa dulo pero para na kaming mawawalan ng boses ni Agatha kasisigaw sa kanila. Sobrang saya rin makita na pati mga classmates namin, full support sa kanila. Maging si Ms. Dee, todo din ang cheer. Mas patindi ng patindi ang kaba ko, lalo na't nasa final portion na, ang Q&A. Then after, coronation na. Baka mahimatay pa ko nito ah.
"And now, let's welcome our third finalist for Ms. NTHS 2012, Ms. Beatrize Macapagal." tawag ng MC kay Bing.
Pinapili ng envelope si Bing para sa magiging question nya. Grabe, ang galing ni Bing, walang bakas ng kaba sa kilos at mukha nya. Hindi rin nawawala ang ngiti sa mukha nya simula pa nung magpakita ulit sila ng stage.
"So you picked question #3, your question is... What is the best thing you've learned during your high school days and why?" tanong ng MC.
"Good evening to everyone, first of all. They say high school days are the best days of your life and I believe I know why. The best thing you can learn in high school is not in the books of science, math nor english. It's never been in any of the school books, actually. Because the best thing I've learned thoughout my years here in high school, is the value of friendship. Im very grateful to have friends who are on my side during the peaks and depths of my life. And Im so glad that even in this very moment, they are all here to support me. And with that, I thank you all." ang malakasang sagot ni Bing.
Grabe. Nagwala yung crowd dahil sa sagot ni Bing. Mukhang naging crowd's favorite sya all of a sudden. Kahit ako ay nagulat dahil may baon na 'peaks and depths' yung tita namin! Go Bingggg!!!!!!
"Let's move on to the third finalist for Mr. NTHS 2012, Mr. McHenry Delaville. Please join us here." sabi ng MC.
Nabunot ni Mac ang question #5.
"Okay Mr. Delaville, what do you think is the biggest boundary of love?" tanong ng MC.
Napahinga ng malalim si Mac at napaisip ng ilang segundo.
"I would like to greet everyone a very good evening first. I believe that the biggest boundary of love is not with age, religion, status nor gender. I believe it's the person's mouth. Your heart and your mind may be screaming about their true feelings, but if the mouth does not allow to let it out, nothing's going to happen or change. I believe communication is so strong that it could start and end a relationship. Without communication or mouth, love will never be a thing. Thank you." ang sagot ni Mac.
Txngina! Super unexpected na lalabas yung mga words na yun sa bibig ng katulad ni Mac? Ang daming nagulat at mas lalong nagwala ang crowd sa sagot ng crowd's favorite! Mas malakas na lalo ang kumpyansa ko na manalo yung dalawa kong kaibigan! AHHHHHHHH!!!!!!
• • •
up next
Chapter Twenty Two:
4A! 4A! 4A!• • •
please
Vote
Comment
and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!Thank you :)
BINABASA MO ANG
I hate you, Mac
RomanceHow long will the studious, top-student, James, hide his feelings towards the campus heartthrob and his best friend, Mac? What happens to a person who keeps on hiding his feeling for someone? Will it be really good to keep looking from afar? This is...