Chapter 23: Graduation Day

86 0 0
                                    

"Uy congrats ulit ha! Ang galing galing nyo talagang dalawa. Di ako maka-get over." bati ko kila Mac at Bing habang kumakain kaming apat sa canteen.

"Nako! Naiinis pa rin ako. Dapat panalo ka talaga Mac e, kung di dahil sa luto luto na yun. Kainis! Kumukulo pa rin yung dugo ko dun!" sabi ni Agatha na sinundan ng isang malaking subo ng kinakain nyang spaghetti.

"Oh. Chill ka lang. Ang mahalaga alam ng lahat yun. Kahihiyan na nila yun no. Tsaka hakot award pa rin naman tong si Mac, kaya okay na rin yun, diba Mac?" sabi ni Bing sabay akbay at tap sa balikat ni Mac.

Napatungo na lang ako sa nakita ko. Napansin ko talagang mas naging close si Mac at Bing simula pa nung na-assign sila as representative ng section namin. Dahil na rin siguro sa rehearsals nila at sa paghatak-hatak nito ni Agatha saken, kaya di ko rin sila masisisi.

"Oo tama. Okay lang naman saken yun. Di naman ako nag-eexpect na manalo e." sabi ni Mac.

"Hindi pa rin okay yun! Edi sana makakahingi ako sayo ng sabon, lotion at pabango. Kainis!" sabi ni Agatha.

"Ako na lang magbibigay sayo, kumalma ka lang! Hahahaha." sagot naman ni Bing kay Agatha.

•   •   •

[video call]

MINDA: Hi mga anak!

RAVEN: Hi ma, kamusta na kayo jan?

MINDA: Okay naman ako dito.

JAMES: Napatawag po kayo ma?

MINDA: Okay lang naman ako. Ah! Uuwi kasi ako sa katapusan, 3 days before ng graduation mo.

RAVEN: Hala! Talaga po ma!? Yesss!!! Ilang years na rin ma!

MINDA: Haha kaya nga e. Sunduin nyo ko sa airport ha.

JAMES: Syempre naman po ma!

MINDA: Nga pala James. Uuwi rin si Lucy, kaso sayang, hindi kami sabay e. Yung nabili nyang ticket is the next day ng saken.

JAMES: Talaga po?? Nice naman! Okay lang yan ma. Marami pa po tayong time para magbonding dito nila Tita Lucy.

MINDA: Kung sa bagay. Sige na mga anak. Gusto ko lang yun sabihin sa inyo agad kaya napatawag ako kahit maghahating-gabi na. Matulog na kayo ha. I love you both! Good night.

JAMES & RAVEN: I love you too ma! Good night din po.

•   •   •

Dumaan na ang Foundation Day, Intrams at Final Exam. At ngayon ay graduation day na namin. Grabe. Ganito pala feeling ng high school graduation no? Parang kelan lang freshmen kami at nakilala namin yung isa't isa, tapos ngayon, maghihiwa-hiwalay na kami. Kaya naman hindi ko maiwasang maging emosyonal sa valedictorian speech ko.

Sobra akong nalulungkot na huling pagkakataon ko ng makikita ang mukha ng mga taong nasa harap ko, lalong lalo na ang mga kaibigan ko. Sobrang lungkot ko rin na iiwan ko itong school na to. May mga nangyari man na hindi maganda, pero punong-puno pa rin ito ng magagandang memories. Pwede bang dito na lang ako habambuhay kasama itong mga kaibigan ko?

Nang matapos ang ceremony, hinila ako agad ni Agatha sa isang tabi.

"James, thank you sa lahat ha? Kasi tinuring mo ko bilang isang totoong kaibigan. Ramdam ko naman na ayaw nung dalawa saken pero mas pinili mo pa ring isama ako sa grupo nyo." sabi ni Agatha habang naluluha ang kanyang mga mata.

"Hoy baliw ka! Wag mong isipin na hindi ka gusto nung dalawa no. Edi sana sinabi na nila sayo yun. Ikaw talaga!" sagot ko kay Agatha sabay yakap sa kanya.

"Nga pala James, since imposible na tayong magkita ulit. Bibigyan lang kita ng unsolicited advice." sabi ni Agatha habang hawak ang mga kamay ko.

"Please follow your heart. You deserve to be happy kasi sobrang bait mo. Aminin mo na kay Mac bago pa mahuli ang lahat." dagdag nya.

"H-ha? A-aminin? Kay Mac?? Anong sinasabi mo?" nauutal kong sagot sa kanya.

"James. Kahit isang taon pa lang kitang nakakasama, kahit di mo sabihin, napapansin ko ang lahat. Kahit si Bing, nakakahalata na rin. Kaya hindi rin malabo na yang si Mac, nahahalata na rin nya." sagot ni Agatha.

"If I were you, I will confess to him. Kung mareject man ako, at least I know the answer already. Masakit, pero at least makakahinga na ko ng maluwag. Mahirap mangapa sa dilim and forever ka na lang mag-iisip ng sagot kung may possibility kayo. It's time to open your eyes and see the answer. Also, 50/50 naman ang chances e. Super nice din nya sayo so malay natin diba?" dagdag pa nya.

Bigla akong napatingin sa kinatatayuan ni Mac at napaisip. Tama naman si Agatha. Sobrang hirap ng sitwasyon ko. Ilang beses na kong nasaktan ng hindi nalalaman ni Mac. Bukod pa dun, last day na rin naman namin to, so I'll probably have no chance to say this and meet him again. Pero on the other side, paano kung kahit sa social media or text, mawala yung pagkakaibigan namin? Paano kung kahiy sa mga simpleng outlets na yun, hindi na nya ako kausapin? Ang hirap. 50/50 talaga.

"Salamat Agatha." sabi ko sa kanya na sinundan ko ng ngiti at yakap.

Nakita kong nagkukumpulan ang mga kaibigan ko at mga parents namin, kaya naman pinuntahan ko na sila.

"Oh ito pala si James, maliit ka pala sa personal pero syempre mas gwapo!" sabi ni Tita Lucy.

"Bolera ka tita haha." ang tangi kong nasagot sa kanya.

"Congrats nga pala James ha. Matalino ka pala talaga gaya ng kwento nito ni Bing." bati saken ni Tito Ben, papa ni Bing.

"Salamat po." sagot ko sa kaniya.

Sinundan rin ako ng bati ng mama nila Mac at Bing, at nagpasalamat rin ako sa kanila.

"Nga pala, punta kayo sa bahay namin sa makalawa, magkakaron kami ng maliit na salo-salo to celebrate my son's graduation." yaya ni mama sa pamilya nila Bing at Mac. At pumayag naman sila.

•   •   •

up next

Chapter Twenty Four:
Kundiman 3.0

•   •   •

please

Vote

Comment

and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

I hate you, MacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon