Chapter 29: Worst Experience of my Life

106 3 0
                                    

2nd year na ko. Nakalipas na rin ang ilang buwan matapos ang masakit na pangyayaring yun.

Sobrang awkward tuwing magkakasalubong kami ni Mac sa school. Parehas kaming hindi makatingin sa isa't isa. Masakit tanggapin na naging total strangers na talaga kami. Tanging social media na lang ang way para matignan ko ulit ang kanyang mukha.

Pero kahit anong stalk ko sa mga nangyayari sa buhay nya, hindi naman sya pala-post, kaya naman nauuwi ako lagi sa pagtingin ng mga pictures sa mga albums ko sa facebook nung high school pa kami.

Tama kayo, sadista nga ako. Kahit nasasaktan ako, ginagawa ko pa rin ang lahat ng to. Umaasa pa rin ako sa araw na hihingi sya ng sorry saken at manumbalik ang lahat.

Mac, hindi ko talaga maintindihan kung bakit hirap ka ng magsorry saken ngayon? Dahil ba hindi mo na ko kailangan? Wala lang ba talaga yung ilang years nating pagkakaibigan sayo? Sabihin mo. Bakit??

•   •   •

Isang araw, pumunta kami nila Belle at Ally para manood ng sine sa isang malapit na mall sa school namin.

Bumili muna kami ng paborito naming popcorn. Nang mapalingon ako sa likuran namin, may napansin akong babae na nakatalikod. Sobrang familiar nya saken.

Nang ito ay tumagilid ng bahagya, nakita kong si Bing pala ito at may ka-holding hands syang lalaki. Napangiti ako at akmang tatakbo para lalapitan sya, pero pag tagilid din ng bahagya nung lalaki... si Mac pala yun.

Parang tumigil ang mundo ko nung mga oras na yun. Parang ako na lang ang natira sa mall at ang dalawang kaibigan kong sobrang sweet sa tanaw ko.

Unti-unting nanginig ang katawan ko nun dahil sa aking nakita. Grabe. Sobrang torture ng mga nangyayari saken. Ano bang ginawa kong masama para mangyari saken ang lahat ng to? Hindi ko talaga maintindihan.

"James... James!" tawag ni Ally saken kaya naman agad akong natauhan.

"Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak??" dagdag pa nya habang patuloy nilang hinihimas ni Belle ang aking likuran.

Sh!t. Nakakahiya. Di ko naman alam na tumutulo na pala ang mga luha ko. Kahit anong pahid ko, sunod sunod pa rin ang mga patak na lumalabas sa aking mga mata.

"Una na ko guys. Sorry. Masama pakiramdam ko." paalam ko kila Belle at Ally, sabay takbo pababa ng escalator.

Pinagtitinginan man ako ng mga tao, wala akong magawa. Sobrang involuntary ng mga nangyayari sa mga mata ko ngayon. Nagtaxi na lang ako para hindi na ko mas makaagaw pa ng eksena sa mga tao.

Ang unexpected. Out of all people, bakit si Bing pa? Alam kong hindi ko inamin sayo Bing na may gusto ako kay Mac, pero akala ko ba napapansin mo ang lahat?

Kaya ba hindi mo na sinasagot ang mga tawag ko ngayon kasi na-gguilty ka? O talagang gusto nyo lang akong ma-out of picture ni Mac para payapa kayo at mawala sa kunsensya nyo yung mga ginagawa nyo ngayon?

Grabe. Ang sakit. Dalawang best friend ko pala yung makakagawa saken ng worst experience of my life.

•   •   •

up next

Chapter Thirty
Cake and Flowers

•   •   •

please

Vote

Comment

and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

I hate you, MacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon