Bago i-announce ang Mr. and Ms. NTHS 2012, nagkaroon muna ng special awarding. Humakot ng award si Mac, maging si Bing. Nanalo si Bing ng Best Talent, Face of the Night at Best Evening Gown. Si Mac naman ay nanalo ng Mr. Photogenic, 2nd Runner-up sa Best Talent, Mr. Debonaire, Best Casual Attire at Crowd's Favorite.
At ito ang pinakahihintay ng lahat, halos lahat ay nagpipigil ng hininga at hinihiling na manalo ang kani-kanila manok. Mas lalo atang tumataas yung tyansa na himatayin ako sa sobrang tense!
"We have Mr. McHenry Delaville from 4A and Jay Wesley Dela Cruz from 3B competing for the title of Mr. NTHS 2012. Cheer for your winner now because we are about to announce who will take the title." pambibitin ng MC.
"4A! 4A! 4A!" sigaw ng karamihan sa crowd na kahit kami ni Agatha ay nakikisigaw na rin.
"The winner of special packages from the sponsors, a cash prize of 25,000 pesos and the title of Mr. NTHS 2012 is.... Jay Wesley Dela Cruz from section 3B!" nakakadismayang announcement ng MC.
Biglang nagkaroon ng katahimikan ang crowd dala ng pagkadismaya. May ilang nagbubulong-bulungan at may ilan din namang nakasimangot ng dahil sa announcement.
"Luto yan. Pamangkin ng principal nyo yan e. Sabi ko na nga ba, kaya hanggang ngayon di pa rin nalalaglag yan." bulong saken ng ale na katabi namin ni Agatha.
Sobra akong nadisappoint sa nangyari at naawa rin kay Mac, kasi deserve nyang manalo. Makikita mo ring nag-iba ang ngiti ni Mac at mapapansin mo ang bakas ng pagkadismaya sa kanyang mukha.
"And now, we only have Ms. Stephanie Han from 2C and Ms. Beatrize Macapagal from 4A competing for the most awaited title, Ms. NTHS 2012." sabi ng MC.
"Yan. Yang kalaban ng pambato nyo, anak naman yan ng kaibigan ng principal nyo kaya di na ko magugulat kung yan din ang mananalo." bulong ulit ng katabi namin ni Agatha.
Lalo tuloy akong kinabahan ng dahil sa aking narinig. Sana naman hindi mangyari yun. Ako talaga unang sisigaw ng 'boo' kasi walang binatbat yung kalaban ni Bing sa kanya.
"The winner of special packages from the sponsors, a cash prize of 25,000 pesos, a customized crown and the title of Ms. NTHS 2012 is...."
Sobrang higpit ng kapit namin ni Agatha sa isa't isa at todo bulong rin kami ng pangalan ni Bing.
"4A! 4A! 4A!"
Mas malakas na sigaw ng crowd na tila ayaw rin nilang maging luto ulit ang laban kagaya ng kanina.
"...Beatrize Macapagal from section 4A!" masayang announcement ng MC.
Napatalon kami ni Agatha sa tuwa at halos mawala kami sa katinuan. Ibinuhos ko ang natitira kong boses sa pagsigaw para kay Bing. Sobrang nagdiwang din ang crowd para kay Bing. Proud na proud ako sa dalawa kong kaibigan. Sobrang husay nila parehas!
Dahil sa sobrang tuwa ko, kinaladkad ko si Agatha at dali-dali kaming pumunta sa backstage para salubungin at i-congratulate si Mac at Bing. Pero di namin inaasahan na marami palang mag-aabang at magpapapicture sa kanila, kaya naman medyo nahirapan kaming makasingit ni Agatha.
"Congratulations!"
"Hala! Ang cute nyong dalawa! Bagay na bagay kayo!"
"Kayo ba? Sana kayo na lang kasi ang cute nyo talaga together!"
Yan ang mga narinig ko sa mga nagpapapicture sa kanila. Kaya naman medyo nawala ako sa mood makipaggitgitan at naghintay na lang na kumonti yung tao.
• • •
up next
Chapter Twenty Three:
Graduation Day• • •
please
Vote
Comment
and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!Thank you :)
BINABASA MO ANG
I hate you, Mac
RomanceHow long will the studious, top-student, James, hide his feelings towards the campus heartthrob and his best friend, Mac? What happens to a person who keeps on hiding his feeling for someone? Will it be really good to keep looking from afar? This is...