Chapter 7: Nagseselos Ka Ba?

132 5 1
                                    

Alam nyo guys, buti na lang maaga pa narerealize ko na to, imposibleng magkagusto saken si Mac. Napakafeeling ko lang siguro. Buti na lang talaga nakakapagreflect ako agad bago pa tuluyang madevelop to.

Pero yun rin ang akala ko.

"Milk Tea Matcha Flavor, 50% sweet." sabi ng isang lalaki matapos ilapag yung milk tea sa table ko.

Oo tama kayo, paglingon ko, si Mac nga sya.

"Anong meron? Bakit may paganito ka?"

"Hmmm... Feeling ko kasi may galit ka saken e. Parang lately, umiiwas ka kapag nagpapasama ko. Pati mga text at chat ko, di mo na masyadong nirereplyan."

"Bakit? Nanjan naman si Apple ah para samahan ka, para rin may makausap ka."

"Wow. Nagseselos ka ba? Haha."

"Ulul! Selos mo mukha mo! Ibig ko lang sabihin, dapat mas priority mo syang kausapin at makasama kasi diba ganun kapag magkasintahan?"

Shet. Tama kaya yung ginawa kong yun? Tinataboy ko sya? Baka lalo na syang mawalan ng time saken. Baka lalo akong ma-out of the picture nito.

"Ikaw naman. Syempre ayoko lang isipin mo na nagkaron lang ako ng girlfriend, nagbago na ko. Gusto ko lang malaman mo na ako pa rin to... si Natoy na mahal na mahal ka."

"Gxgo hahaha"

Dito ako madaling bilugin ni Natoy e, sa pamilktea milktea at mga biro nya e. Syempre ako naman, uto-uto. Madaling mawala ang init ng ulo sa malamig na milktea.

•   •   •

[sa groupchat naming tatlo]

BING: Omgggg tapos na ang finals! Juniors na tayooo. Ang bilis huhuhu.

JAMES: Haha kaya nga e. Matanda na tayo.

BING: Tara outing tayo next Friday! May malapit na magandang beach dito samin.

JAMES: Ha? Dalawang taon na tayong magkakaibigan ngayon mo lang binanggit yang dagat na yan!

BING: Alam ko naman kasing magyayaya kayo ng magyayaya kapag nalaman nyong medyo malapit kami sa dagat.

BING: Ayokong madalas na magswimming, baka umitim ako lalo.

BING: Basta next Friday ha! Maggrocery na kayo ni Mac, dito na lang tayo magluto samin bago tayo pumunta sa dagat.

BING: SPECIAL NOTE: WAG MAGDALA NG JOWA!

•   •   •

[next Thursday]

1 new message from Mac.

"James, Im so sorry di ako makakasama sa paggrocery. Sinurprise kasi ako ni Apple, monthsary namin ngayon. I have to take her to the movies para makabawi rin sa kanya. Sobrang sorry talaga. Bawi ako next time."

I hate you, MacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon