[1:07am]
Naalimpungatan ako sa bigat ng kamay ni Mac dahil nakayakap na pala sya saken. Hindi ako komportable at makahinga nun kaya dahan-dahan kong iniaalis ang kamay nya saken. Pero nagulat ako sa mga sunod na nangyari...
"Uhmm... Gising ka pa, James?" sabi ni Mac na parang naalimpungatan dahil sa ginawa ko.
Nagpalit ako ng position mula sa nakatagilid patalikod kay Mac hanggang sa pahiga na posisyon. Tinignan ko si Mac kung gising ba talaga sya dahil sa kanyang pagsasalita.
Nakita kong nakamulat nga sya at titig na titig sa akin. Hindi ko alam pero parang na-magnet ang mga mata ko noon at napatitig na lang rin ako sa kanyang mga mata. Naging matagal at malagkit ang pagtitinginan namin noon. Hanggang sa nagsimula ng gumalaw si Mac upang ako ay halikan sa labi. Hindi ko alam pero dahil sa mga nangyari ngayong gabi, ayaw kong sayangin ang pagkakataon na ito kaya ginantihan ko rin ang kanyang halik. Unti-unting tumataas ang tensyon sa kwarto nung mga oras na iyon. Parang parehas kaming uhaw na uhaw sa isa't isa. Bumangon si Mac at dumagan sa akin. Ngayon ay sikmura sa sikmura at dibdib sa dibdib na kami. Patuloy ang aming paghahalikan.
Sinimulan na rin nyang halikan ang aking pisngi habang ako naman ay parang kinakapos sa hininga dahil sa mga nangyayari. Iginapos nya ang aking mga braso gamit ang kanyang mga kamay at sinimulan na rin akong halikan sa aking leeg. Hindi ko akalain na may ganito palang side si Mac. Dahil sa ginagawa nyang paghawak sa aking mga braso at paghalik sa aking leeg, unti-unting pumapasok sa isipan ko ang mga nangyari sa restroom. Ang mukha ni Mac ay tila napalitan ng mukha ni Hugo. Kitang kita ko nanaman ang ngiti na binigay ni Hugo noon na tila nangyayari ulit ngayon.
Nagsimula akong magpumiglas pero nung mga panahong yun ay nadadala pa rin si Mac sa mga pangyayari kaya pilit nya pa ring iginagapos ang aking mga braso at hinahalikan ang aking mukha at leeg. Dahil sa ginagawa ni Mac, mas lalo tuloy nagiging sariwang muli ang mga nangyari saken at mas nanaig nanaman sa akin ang kaba at takot.
"Wag. Tama na. Tigilan mo na ko. Maawa ka. Maawa ka!" mahinahon kong nasambit habang humahagulhol na ako sa pag-iyak.
Dahil sa mga sinabi ko, natauhan si Mac at itinigil ang kanyang ginagawa.
"Tama na! Tama na! Maawa ka saken, please!" patuloy kong sabi habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Bakas sa mukha ni Mac ang gulat at pagsisisi.
"J-James, I-Im sorry. Im very sorry. Tumigil ka na sa pag-iyak please." nakukunsensyang sabi ni Mac sabay yakap saken.
"LUMAYO KA! LAYUAN MO KO! BITAWAN MO KO! HAYUP KA! DEMONYO! WALA KANG AWA!!" napasigaw na lang ako noon kasabay ang magkakasunod na suntok sa dibdib ni Mac sapagkat si Hugo pa rin ang aking nakikita sa kanyang mukha.
Dahil sa lakas ng patuloy kong pagsigaw, pumasok si Raven sa kwarto at nadatnan ang mga nangyari. Agad akong nilapitan ni Raven.
"ANONG GINAWA MO SA KAPATID KO!? LUMAYAS KA! LUMAYAS KA NGAYON DIN!" sigaw ni Raven na bakas ang galit sa kanyang mukha na parang anumang oras ay handang sugurin si Mac.
Sinusubukan magpaliwanag ni Mac kay Raven pero patuloy pa rin ang pagtaboy nito sa kanya. Kaya walang nagawa si Mac kundi kunin ang kanyang mga gamit.
"James, Im very very sorry." tanging nasambit ni Mac kasabay ang pagpatak ng luha kanyang kaliwang mata. At lumabas na sya ng tuluyan sa kwarto.
Bakit kaya ganun yung buhay no? Hindi ka talaga hahayaan maging sorbang saya. Parang may point lagi na pag sobrang saya mo, i-gground ka nito ulit na parang back to square one. Kagabi lang sobrang saya ko, tapos ngayon, ganito ang nangyari. Kung alam nyo lang kung gaano ako naiinis sa sarili ko dahil sa mga ginawa ko sa kanya. Sobrang takot na takot rin ako na baka mawala na sya sa buhay ko dahil sa mga ginawa at nasabi ko sa kanya. Panigurado, sinisisi nya ang sarili nya ngayon. Hindi nya kasi alam ang totoong dahilan kung bakit ko nagawa at nasabi yung mga yun. Sobra akong naiinis sa sarili ko! Bakit ba kasi ganun? Bakit???
• • •
up next
Chapter Sixteen:
Rico• • •
please
Vote
Comment
and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!Thank you :)
BINABASA MO ANG
I hate you, Mac
RomanceHow long will the studious, top-student, James, hide his feelings towards the campus heartthrob and his best friend, Mac? What happens to a person who keeps on hiding his feeling for someone? Will it be really good to keep looking from afar? This is...