Chapter 30: Cake and Flowers

111 3 0
                                    

Dahil sa mga nangyari. Binlock ko si Mac at Bing sa mga social media ko. Nagpalit na rin ako ng number dahil ayaw ko ng makarinig ng kung anuman sa kanila.

Pero sa totoo lang, mukha namang parehas silang walang pakielam, dahil tuwing makikita ko si Bing, kagaya ni Mac, ay iiwasan lang ako nito at dederetso sa paglakad na parang walang nakitang kakilala nyang tao.

Let's flashforward sa isa nanamang shocking twist ng buhay ko. First day ng 3rd year 2nd sem.

Masaya kaming nakkwentuhang magkakaibigan dahil hindi kami makapaniwala na isa't kalahating taon na lang ay ggraduate na kami. Pero laking gulat ko kung sinong pumasok sa room namin nung oras na yun. Si Bing. Nakita kong napahinto rin sya at nagulat nung nakita ako.

Hindi ko alam kung babatiin ko ba sya or what, pero bago pa man ako makagawa ng move ay nagderederetso na sya papasok ng classroom and acted like everything's normal.

Last week of January na. Habang busy kami nila Belle at Ally sa pagrereview para sa quiz sa sunod naming subject, narinig namin bigla na lang naghiyawan sa kabilang side ng classroom. Si Mac. May dalang cake and flowers. Anniversary pala nila ni Bing.

Napatingin sya at nagulat nang makita nya ko. Pero dumeretso lang sya kay Bing at ibinigay ang mga regalo nya. Hindi ko na nagawa pang titigan ang mga sunod na pangyayari at nagkunwaring nagffocus sa pagrreview. Ayoko kasing mas saktan pa ang sarili ko.

Ibang level na yung mga kaibigan ko, harap harapan na talaga. Sobrang insensitive nila. Parehas naman nilang alam na masasaktan ako sa ginagawa nila, pero heto, ginawa pa rin nila.

"Uy James, tignan mo oh! Ang sweet talaga ni Mac kay Bing!! Nakakakiligggg!" sabi ni Belle.

Wala kayong idea Belle na may tension ng nangyayari sa mga oras na to. Siguro kung alam nyo ang nangyayari ay hindi kayo magnanarrate ng ganyan sa akin.

Dahil sa patuloy na nagnanarrate sila Belle at Ally sa mga nangyayari, wala akong nagawa kundi ang tumayo at lumabas ng classroom. Pumunta na lang ako sa isang cubicle ng restroom, at doon umiyak.

Wala na kong maisip na description pa para sa mga nangyayari saken. Hindi ko alam kung overdramatic lang ako. Pero kung ilalagay nyo siguro yung sitwasyon nyo sa sitwasyon ko ngayon ay feeling ko, mas maiintindihan nyo ako.

•   •   •

up next

Chapter Thirty One
Masama Ba Ang Ma-inlove Sa Kaibigan?

•   •   •

please

Vote

Comment

and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you.

I hate you, MacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon