Handa na kaya ako? One week na rin ang nakalipas nang matapos ang pinakamalalang pangyayari sa buhay ko. Pinagpahinga kasi muna ako ng two weeks ng principal dahil alam nyang napaka-traumatic nung experience na yun. Nabalitaan kong na-expel na rin si Hugo dahil sa ginawa nya. Araw-araw kong ring sinasayang ang effort ni Mac na bisitahin ako at palaging si Raven ang pinapaharap ko sa kanya. Hindi ko kasi alam. Feeling ko kasi bukod sa takot na ko sa mga lalaki ngayon, nahihiya rin akong humarap sa kanya kasi nakita nya yung lahat ng yun, kahit alam kong hindi dapat ako makaramdam ng hiya sa kanya. Pakiramdam ko, wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Pero one week na rin naman e, at ayoko na ring maramdaman ni Mac na kahit sya, na isa sa mahalagang tao sa buhay ko, ay ayoko nang makita kahit kelan.
RAVEN: Kasi kuya, tulog pa rin sya hanggang ngay-
JAMES: Raven... Sige. Okay lang.
MAC: James?
Sabay ang isang malaking ngiti sa kanyang mukha. Ramdam kong gusto nya kong salubungin at yakapin pero dahil sa huli naming pagkikita, ramdam kong pinipigilan nya ito.
MAC: Kamusta ka na? Kala ko pati saken lalayo ka na e.
JAMES: Ah... ehh... di ko naman magagawa yun no. I just needed some time. Pero salamat sa pag-aalala. Sobrang naaappreciate ko lahat.
MAC: Wala yun. Syempre gusto ko lang siguruhing safe ka, lalo na yung mental health mo.
JAMES: Salamat talaga ha. Ah... Eh... Si Bing? Bakit di mo sya kasama?
MAC: Alam mo namang malayo ang bahay nun kumpara satin, at napakahaba pa ng travel time kaya gustuhin man nya, kailangan na nyang umuwi. Pero nung mga nakaraang araw, twice ko naman syang kasama na sumaglit dito . Babae kasi kaya hindi pwedeng gabihin ng sobra. Pero gustong gusto ka rin nyang kamustahin.
JAMES: Ah... Eh.. Pasensya na kayo ha.
MAC: Sira! Wala yun.
Naging mahaba ang usapan namin ni Mac, magkahalong academics at mga naganap sa school. Hindi namin namalayan ang oras at 11pm na pala, kung hindi pa dahil sa lakas ng ulan at kidlat ay di pa kami matatauhan.
MAC: Shit. 11 na pala! Pano ko uuwi nyan, napakalakas na rin ng ulan. Baka madaling araw na tumigil to. Tsk!
JAMES: Ahh ehh pasensya ka na ha. Di ko rin kasi namalayan yung oras. Kanina lang kumain tayo ng 7pm, tas 11pm na pala agad. Sorry.
MAC: Ano ka ba! Sorry ka ng sorry haha. Kasalanan ko rin naman e. Ang daldal ko kasi.
BINABASA MO ANG
I hate you, Mac
RomanceHow long will the studious, top-student, James, hide his feelings towards the campus heartthrob and his best friend, Mac? What happens to a person who keeps on hiding his feeling for someone? Will it be really good to keep looking from afar? This is...