"Okay... Kumpleto na mga requirements mo. Sa June 19 ang orientation so be early." sabi ng registrar.
[James typing a status update on Facebook]
"Next Chapter."
Post.
Beatrize Macapagal sent you a message.
"Hoy! Seryoso talaga yung pagtransfer mo?? Bakit pabigla-bigla ka jan?? Iiwan mo na talaga kami??"
Seen.
Beatrize Macapagal sent you a message.
"Sayang naman pinaghirapan mo sa pag-aaral. Hindi na pwedeng maging honor student ang transferee. Alam mo namang rule yan sa kahit anong schools!"
Seen.
Beatrize Macapagal sent you a message.
"Mamimiss kita James. I hate you :("
Seen.
Hindi man buo ang desisyon ko sa paglipat ng school, ang nasa isip ko ngayon ay kailangan kong unahin ang sarili ko. Kailangan kong unahin ang healthng puso't isipan ko. Kailangan kong ilayo ang sarili ko sa mga tao at bagay na mas makakatrigger ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Sa paglapit ng araw ng pasukan, mas narerealize ko ang panghihinayang sa naipundar ko sa academics ko. Aware naman ako na posible na kong hindi maging honor student at makagraduate ng valedictorian. Sobrang gulo na ng isip at buhay ko ngayon! Kasalanan mo to Mac! Kasalanan mo to!
[Video Call]
MAMA: Anak, ano sure ka na talaga? Pwede ka pang umurong habang hindi pa nagsstart yung pasukan.
JAMES: Opo ma. Kailangan ko lang pong mas maifocus pa yung sarili ko sa academics, medyo nagiging easy going na po kasi ako sa dati kong school e.
MAMA: Easy going? E nakapagtapos ka pa nga rin ng top 1?
JAMES: I know ma. Pero alam ko rin sa sarili ko na mas kaya ko pa pong i-push yung sarili ko if di ako nababarkada.
MAMA: Sige. Bahala ka anak. Basta ako, nakasuporta lang ako sa mga magiging desisyon mo ha. I love you.
JAMES: Thank you ma. I love you too.
MAMA: Sige na anak, mamaya na lang ulit tayo mag-usap. Bye.
JAMES: Sige po ma. Ingat kayo jan. Bye.
[Video call ended]
Buti na lang nanjan si mama. Kapag kausap ko sya, lumuluwag yung pakiramdam ko, nagiging payapa ako. Napakasupportive din nya saken lagi.
[flashforward]
Thursday na, malapit ko ng makumpleto yung first week ko sa school na to. Narealize kong sobrang advance pala ng tinuturo ng dati kong school kasi napag-aralan na naming lahat yung mga dinidiscuss samin lately. Wala pa rin akong nagiging kaibigan. Bukod kasi sa napunta ako sa section na sobrang bonded na ng pagkakaibigan nilang lahat, takot na rin akong magpapasok ng mga tao sa buhay ko. Nginingitian ko naman sila kapag binabati nila ako, pero hanggang dun lang yun.
Sa totoo lang, kahit sobrang galit ako kay Mac, namimiss ko na sila at yung dati kong school. Araw-araw pa rin syang nagttext at nagchchat saken pero inilagay ko sya sa blacklist ng messages ko, at filtered messages sa Facebook. Hindi ko sya magawang iunfriend kasi sobrang obvious na sya yung dahilan kung bakit ako umiiwas sa kanilang lahat.
Miss na miss ko na rin si Bing, lalong lalo na at simula nung nalaman nyang lilipat na ako, araw-araw nya akong kinukulit na bumalik. Mas naffeel ko tuloy na sobrang importante ako sa buhay nya.
Mas lalo kong gustong bumalik sa dati kong school, dahil bukod sa miss ko na yung mga kaibigan ko, mukhang hindi ako matututo ng sobra dito. Bukas talaga, pag nafeel ko pa rin to, magdedesisyon na ko..
• • •
"We would love to Mr. Delvalle! Isa kang star student dito sa school namin and you always bring honor lalong lalo na kapag may mga contest against other schools. We will consider you as late enrollee na lang and not as transferee para matuloy-tuloy mo yung run mo to be a possible valedictorian graduate." sabi ng principal ng school ko dati na kausap ko sa telepono.
"Naku! Maraming maraming salamat po mam! Malaking tulong po ito sa akin. Pasensya na rin po sa abala ha. Thank you po ulit!"
"Walang anuman. See you!"
Ughhh sana tama itong ginagawa ko sa buhay ko! Pero I got my space na rin naman, at dahil don nagkaron ako ng realization at nagcome-up ako sa desisyon na ito kaya sa tingin ko tama lang itong ginagawa ko.
Tuesday. Pagpasok ko pa lang ng gate, bawat madadaanan kong estudyante sa dati kong school ay maaaring may gulat sa kanilang mukha o magbubulungan. May ilan rin namang ngumingiti at bumabati sakin.
Pagliko ko sa isang hallway ng 3rd floor, papunta sa classroom ko, bumungad agad saken ang nakatambay na si Mac. Nanlaki ang mapupungay nyang mga mata at nagkaroon ng malaking ngiti sa kanyang mukha nung makita nya ako. Ako naman ay nagulat rin at napatigil. Hindi ko alam kung dederetso ba ako o aatras. Pero bago pa man ako makagawa ng sunod na paghakbang, agad na tumakbo si Mac sa akin habang tinatawag ang pangalan ko. Kitang kita ang pananabik sa kanyang mga mukha. Wala syang pake kung mawala yung poise nya as pagiging cool. Sigaw sya ng sigaw na parang kami lang ang nasa corridor nung mga oras na yun. Hindi ko alam pero napangiti na lang ako sa mga nakikita ko.
Nang makarating sya sa kinatatayuan ako, agad nya kong binigyan ng mahigpit na yakap. Iniangat nya ako habang yapos yapos at saka iniikot ikot. Na-dawn zulueta ako nung mga oras na yun. Nakakahiya pero ang saya sa pakiramdam. Dahil sa kasasabi kong tumigil na sya dahil pinagtitinginan na kami, ay huminto na rin sya sa kanyang ginagawa.
"James, I missed you." sabi Mac na may pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.
Wala talaga akong clue na ganito magiging kasabik si Mac saken. Hindi ko alam na ganito pala ako kahalaga sa kanya. Nakukunsensya ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya kasi wala syang clue kung bakit ko sila ginawang iwasan.
"Ang baduy mo." sabi ko naman kay Mac para mauwi sa biro ang unti-unting nagiging seryosong usapan.
"JAMES!!!!!!!!!!! PAKYU KAAAA!!!!" sabi ni Bing na agad namang sinampal ang mukha ko.
Yung feeling na nagkakaron kayo ng sweet moment at biglang may sasampal sayo? Sino bang hindi magigising sa katotohanan nun? Pero tumawa lang si Bing at agad akong binigyan ng sobrang higpit na yakap.
"Hayup ka, James! Last time, nagbonding tayo, ang saya saya natin, then the next day, di ka na namamansin. Masyado ka bang gininaw sa dagat at naging cold ka kinabukasan? Hay nako, hinding hindi ko na kayo dadalhin dun!" sabi ni Bing na may tampu-tampuhan sa kanyang mukha.
"Sige na. Pumasok na tayo. Masyado na tayong nag-eeksena dito. Sobra na kong naiilang haha." sabi ko kila Bing at Mac.
• • •
up next
Chapter Ten
Elephant in the Room• • •
please
Vote
Comment
and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!Thank you :)
BINABASA MO ANG
I hate you, Mac
RomanceHow long will the studious, top-student, James, hide his feelings towards the campus heartthrob and his best friend, Mac? What happens to a person who keeps on hiding his feeling for someone? Will it be really good to keep looking from afar? This is...