Chapter 25: First Day

93 2 2
                                    

"Boy. Boy. Gising. Kanina pa nag-aalarm cellphone mo." sabi ng isa kong roommate.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ako at bumangon.

"Ay. Salamat Kuya ha?" sabi ko naman sa kanya.

"Nagdadalawang isip nga ako kung gigisingin kita e pero naisip ko baka may klase ka kasi dere-deretso alarm ng phone mo, kaya ginising na kita." paliwanag nya.

"Ay meron nga po haha." sagot ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil pagtingin ko ng oras sa cellphone ko...

"Sh!t 7:38am na pala!??? 7am ko ito inalarm ah!??" ang gulat kong sabi kaya naman kinuha ko agad ang mga gamit ko panligo at kumaripas papunta ng cr.

"Kuya, maliligo ka ba? Pwedeng ako na muna? 8am kasi klase ko e." paalam ko sa lalaking gumising saken.

"Sige okay lang. 9am pa naman pasok ko e." sabi nito saken habang nagsisipilyo sya.

Nagpasalamat naman ako sa kaniya. Sa madaling salita, nagligong uwak ako sa first day ng college. Napagod yata ako masyado sa paglilipat ng gamit namin kahapon nila mama. Mabuti na lang at inayos at pinlantsa na rin ni mama ang mga polo ko kahapon, kung hindi malilintikan na ko.

Nakita ko si Mac sa upper bunk bed namin at mahimbing pa syang natutulog. Napakaswerteng nilalang. Ganito kaya mangyayari saken araw-araw? Nasanay kasi akong ginigising ni yaya. Mabuti na lang at walking distance lang itong school sa dorm namin kaya nakarating agad ako ng 3-minutes before 8, ang kaso nga lang...

"I.D." masungit na sabi saken ng guard.

Sh!t. Wala nga kong suot na I.D. Chineck ko sa bag ko pero wala din dito. Naalala kong isinabit nga pala ni mama sa isa sa mga polo ko para daw hindi ko makalimutang isuot, ang kaso nga lang ibang pair ng uniform ang nadampot ko. Asar!!! Kaya naman dali-dali akong tumakbo pabalik ng dorm. This is why I hate first times and first days, laging epic!

Nang makarating ako sa room namin, napakaswerte ko kasi kahit 8:10 na, wala pa rin yung prof. Ang kaso nga lang, karamihan ng ka-block ko ay nasa room na, kaya naman sobrang awkward nung pumasok ako kasi halos lahat sila ay nakatingin saken. Gaya nung high school, sa likod nanaman ako napaupo. Pero kung nung first day ng high school ay may kumausap saken, ngayon naman ay wala... ni isa... the whole day. Napansin ko na lahat sila ay nag-get along na pero di ko maintindihan kung bakit walang gustong makipagkaibigan saken.

Sa totoo lang, sobra akong nalungkot ako at parang gusto ko na lang lumipat ng block or ng school. Mag-isa lang rin akong naglunch after ng klase at nakita ko ang ilang grupo ng mga kaklase ko sa mga table na masayang kumakain din dito. Sobrang exhausted ako, kaya naman pagdating ko ng dorm ay natulog na lang ako.

Nagising ako dahil sa lakas ng tawanan. Napansin ko rin na halos magdidilim na rin pala. Sobra nga kong na-stres kaya napahimbing ang tulog ko. Napansin kong si Mac at iba ko pang roommates pala yung maingay at nagkkwentuhan sa kwarto. Napansin ko ring nakauniform pa rin si Mac tanda na kagagaling nya lang ng school. Grabe, sana may trait rin akong katulad ni Mac. Charismatic, madaling i-approach, madaling kausapin. Naiisip ko tuloy ulit kung anong bang mali saken. Hayyy...

•   •   •

up next

Chapter Twenty Six
Bed Sheet

•   •   •

please

Vote

Comment

and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

I hate you, MacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon