Chapter 3: 1 New Friend Request

171 7 0
                                    

Hayyy sobrang iba talaga pag wala si Mac. Kulang talaga yung araw ko, walang nakakulitan at nakakwentuhan sa school. Si Bing naman kasi, puro teleserye ang interest, as if naman nanonood ako ng tv?

Pagbukas ko ng pinto, nakaupo na sa sofa si Mac habang nagcecellphone at nakataas ang paa sa coffee table namin.

"Abaaa. Feel at home ah. Kamag-anak? Pano ka naman nakapasok dito" biro ko kay Mac.

"Nakita ako ng kapatid mo na nakatambay sa gate, kaya pinapasok na nya ko."

"Pumasok ka naman?"

"O sige, lalabas muna ko, antayin kong papasukin mo ko."

"Alam mo nahawa ka na talaga ng kapilosopohan samin ni Bing haha. Bakit ka ba kasi nandito?"

"Wala lang... Magpapaturo lang sana ko ng mga namiss kong lessons kanina."

"Wow. Special class pala to. Edi sana pumasok ka na lang kanina para di ko na uulitin ngayon. Hay... bakit ka ba kasi absent?"

"Nagkasakit kasi kapatid ko. Walang magbabantay at mag-aalaga sa kanya. Kami lang kasing dalawa ang nasa bahay e. Tapos yung yaya namin, naka-emergency leave."

"Yaya? Nasan ang parents mo?"

"Wala na kaming papa ng kapatid ko. Tatlong taon na rin nung nawala sya dahil sa lung cancer. Si mama naman limang taon na sa Israel."

"Im sorry to hear that. Ang lungkot naman pala ng sitwasyon nyo ng kapatid mo."

"Okay lang yun. Medyo nasasanay na rin kami sa ganitong sitwasyon."

"Saan nga pala sa Israel ang mama mo?"

"Sa Jerusalem, bakit?"

"Ha? Nandun din mama ko e! Haha. Ang alam ko may gathering mga pinoy dun pag day-off ng Sunday. Malay natin, baka magkakilala pala mama natin."

"Hmm... Imposible. Ang daming pinoy dun."

"Ano bang name ng mama mo? Malay natin magkakilala pala sila haha"

"Lucy."

"Ohh okay. Sige na. Ito na nga pala yung mga pinag-aralan kanina."

• • •

Ring...
Ring...
Ring...

"Hello ma."

"Hi anak! Kamusta?"

"Okay lang naman po ako dito. Kayo po ba jan?"

"Okay lang din naman. Kamusta pag-aaral mo? Nasan kapatid mo?"

"Okay naman po, malapit na po yung 3rd periodical exam kaya medyo busy sa pagsusubmit ng mga projects, pero all is well naman po. Si Raven po, lumabas lang, may bibilhin lang daw po. Nga pala ma, may kilala ka po jan na Lucy? Lucy Delaville?"

"Lucy Delaville? Oo, kumare ko yun dito no! Pano mo naman nakilala yun?"

"Mama po kasi sya ng kaibigan ko. Nabanggit lang nya na sa Jerusalem rin nagttrabaho mama nya kaya tinanong ko na rin pangalan baka nga ho kilala nyo haha. Grabe. Small world. Kaibigan nyo pa pala."

"Oo nga haha. O sige na anak, kailangan atang tumayo ng alaga ko, asikasuhin ko muna. Tawag na lang ulit ako mamaya, sabihin mo na lang rin sa kapatid mo. Bye. Love you anak!"

"Sige ho ma. Ingat ho. Love you too."

[video call ended]

1 new friend request.
Ha? Sino naman kaya to?

• • •

up next:

Chapter Four:
#MacJames

• • •

please

Vote

Comment

and Share to you friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

I hate you, MacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon