[sa school canteen]
"Let's talk about the elephant in the room. Ano ba kasing nangyari, James? Ikwento mo na." sabi ni Bing habang titig na titig sila ni Mac saken at naghihintay ng ikkwento ko.
"Wala nga." sagot ko kay Bing sabay subo ng pagkain.
"Wala? Anong wala? So trip trip lang yung mga nangyari? Issaprank? Ganun??" pilosopong sagot ni Bing.
"Oo nga James. Ikwento mo na. Nag-alala talaga kami ni Bing. Feeling namin may nagawa kami o nasabi kaming hindi maganda sayo. And if meron man, sabihin mo para di namin mauulit sa susunod." sabat naman ni Mac.
Talagang meron kang nagawa at nasabing hindi maganda Mac! TALAGANG MERON!
"Ha? Wala nga. Gusto ko lang i-try yung school na yun kasi dun dapat ako papapasukin ni mama, maganda daw kasi yung turo dun. Pero hindi pala, mas advance pa pala tayo dito. Yung mga pinag-aralan natin nung finals nung first year, saka pa lang ituturo dun? Napaka-behind!" palusot ko sa dalawa.
"Nga pala, nasan na si Apple? Maghapon ko na syang di nakikita ah?" dugtong ko bago pa sila magkaron ng follow up questions sa palusot ko.
Nagkatitigan si Bing at Mac dahil sa tanong ko.
"Wala na kami, James." sabi ni Mac.
Hopia level from 0% to 100% real quick! Push mo yan tadhana, game begins nanaman ba tayo? Ha??
"Ha?? Bakit?? Anong nangyari???" gulat kong tanong kay Mac.
"Mangga si Ate Girl! Ginagawang rebound lang pala tong si Mac. Nung nakipagbalikan yung ex, ayun, tumalon na ulit dun!" sabat ni Bing.
"Ha? Kamusta ka naman Mac? Okay lang ba? How does your own medicine taste like? Mapait?" pabiro kong sabi kay Mac.
"Grabe. Akala ko concern ka na talaga. Parehas pala kayo nito ni Bing. Di man lang marunong magconsole ng kaibigan." sabi ni Mac.
BINABASA MO ANG
I hate you, Mac
Storie d'amoreHow long will the studious, top-student, James, hide his feelings towards the campus heartthrob and his best friend, Mac? What happens to a person who keeps on hiding his feeling for someone? Will it be really good to keep looking from afar? This is...