1 new friend request.
Ha? Sino naman kaya to?
Lucy Delaville. Ay mama ni Mac to ah. Ang bilis naman maikwento ni mama, parang kagabi ko lang nasabi yun. Syempre accept natin.
Typing...
"Hi James. Kamusta? Binalita saken ng mama mo na kaibigan mo raw si Mac? In-add kita agad, gusto ko kasing maka-keep up kahit papano kay Mac e. Naging guarded na kasi yan simula nung nawala papa nya e. Ingat kayo lagi ha. Mag-aral ng mabuti."
"Okay naman po kami tita. Wag po kayong mag-alala sa anak nyo. Attentive po sya sa mga klase, and if ever may namimiss na lesson, sya po mismo lumalapit saken para maka-keep up sa mga namissed nyang lessons."
"Glad to hear that. Akala ko kasi okay okayan lang sinasabi nya kapag tinatanong ko e. Basta kapag may ginawa yan ha, wag mong kunsintihin, sabihin mo agad saken."
"Haha sige po tita."
• • •
[Sa classroom]
BING: Hay nako. Sabay nanaman pumasok itong dalawa na to. Alam nyo, kung di lang kayo mga lalaki, mapagkakamalan ko talagang magjowa kayo, o baka..."
Hinablot ako ni Mac at niyakap nya ako ng mahigpit.
MAC: E ano naman? Selos ka?
Napatitig ako sa mukha ni Mac habang patuloy nyang inaasar si Bing. Narealize kong gwapo pala talaga sya. Napakaamo ng mukha nya at may misteryo sa likod ng kanyang mga mata. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng katawan ni nya nun. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko pero bakit parang...
MAC: ...diba James?
Natauhan ako at tinulak ko si Mac mula sa pagkakayakap nya saken.
JAMES: ULUL!
Sabay bigay ng middle finger sa mukha nya.
"Okay class, get one whole sheet of paper. May surprise quiz tayo ngayon." sabi ng teacher namin habang naglalakad ito papasok ng room.
Ding!
Ding!
Ding!
Ding!
Ha? Ano yun?
15 new notifications? Ano to bat ang dami?? Puro tag sa page ng NTHS Confessions?
Wtf? Sinong kumuha nitong picture na nakayakap saken si Mac!??
[Caption:] Sorry girls, guys pala gusto ng Mac Mac natin *crying face and broken heart emoji*
[Comments:]
"...okay lang! kung si James lang rin naman makakatuluyan nya, i approve!"
"...#MacJames! Sinong gagawa ng page at group??"
"...jusko sana may tumitig din saken the way na tumitig si James kay Macccc!!!"
"...omgggg bakit ako kinikilig?? dapat masaktan pa nga ko e! #MacJames"
What the? Ano ba tong mga comments na to. Kunsintidor pa! Pero in fairness, ang cute namin ni Mac dito ha. Save natin.
Naalala ko nanaman yung pakiramdam nung niyakap nya ko. Bakit parang hinahanap hanap ko pa rin? Feeling ko sobrang secured at safe ako nun, at wala akong pinoproblema. Na-ffall na kaya ko sa kanya?
• • •
up next
Chapter Five
10 Signs Na Na-fall Ka Na Sa Best Friend Mo• • •
please
Vote
Comment
and Share to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!Thank you :)
BINABASA MO ANG
I hate you, Mac
RomanceHow long will the studious, top-student, James, hide his feelings towards the campus heartthrob and his best friend, Mac? What happens to a person who keeps on hiding his feeling for someone? Will it be really good to keep looking from afar? This is...